Thursday , February 9 2023

Gov’t execs tuloy pa rin sa senate ‘plundemic’ probe (Kahit pagbawalan ni Duterte)

 LALAHOK pa rin sa mga pagdinig na ipatatawag ng Senate Blue Ribbon Committee, na tinaguriang ‘plundemic’ probe, ang mga opisyal ng administrasyon kahit pagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“While the Cabinet officials appreciate the concern of the President, e sila naman po, for purposes of transparency, pupunta pa rin po sa Senado dahil wala naman pong itinatago,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual Palace press briefing kahapon.

Nauna rito’y sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan humingi muna sa kanya ng clearance ang sinomang miyembro ng kanyang gabinete bago dumalo sa Senate probe kaugnay ng iregularidad sa paggawad ng P12-bilyong medical supplies contract sa Pharmally Pharmaceutical Corporation ng Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM).

Naging bisyo rin ni Pangulong Duterte na ipagtanggol ang mga tauhan at kaalyadong isinasangkot sa maanomalyang transaksiyon habang binabatikos ang mga senador na nag-iimbestiga sa isyu.

Tinawag na ‘plundemic’ o plunder sa pandemic ng mga kritiko ng administrasyon ang Pharmally-PS-DBM deal.

Kaugnay nito, nanawagan ang ilang business groups at academic institutions sa mga opisyal ng administrasyong Duterte na makipagtulungan sa isinusulong na Senate ‘plundemic’ probe.  

Sa joint statement, sinabi ng mga grupo, marapat na ipagkaloob sa sambayanang Filipino ang buo at patas na pagtutuos kung paano ginasta ang pondo ng bayan para tugunan ang CoVid-19 pandemic.

“The allegations, testimonies, and documents provided regarding the use of public funds meant to acquire items to minimize the use of public funds meant to acquire items to minimize the threat to the lives of our citizens occasioned by the pandemic are very sobering,” anila sa kalatas.

If true, the context would make the wrongdoing particularly onerous and deserving of the full force of sanctions on its perpetrators that our justice system provides,” anila.

Kabilang sa mga lumagda sa joint statement ang Bishops-Businessmen’s Conference, Financial Executives Institute of the Philippines Investment Houses Association of the Philippines, Judicial Reform Initiative, the Management Association of the PhilippinesMakati Business Club, at ang Shareholders Association of the Philippines.

Pumirma rin ang Ateneo de Manila UniversityAteneo de Naga University, Ateneo de Zamboanga University, Xavier University-Ateneo de Cagayan, De La Salle University, at De La Salle Philippines.

Ipagpapatuloy ngayong 11:00 am ang pagdinig sa Senado. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Judy Ann Santos-Agoncillo Sam Milby The Diary of Mrs Winters

Judy Ann gagawa ng teleserye sa labas ng ABS-CBN

RATED Rni Rommel Gonzales MULA pala noong 2019 ay wala ng kontrata sa ABS-CBN si Judy Ann Santos. …

Sunshine Cruz, Macky Mathay

Sunshine nawala ang ‘trust’ kay Macky kaya naghiwalay

MA at PAni Rommel Placente FINALLY ay nagsalita na rin si Sunshine Cruz ukol sa naging hiwalayan …

Cayetano in Action with Boy Abunda

Malakas na suporta sa CIA with BA pinasalamatan
MAG-UTOL NA MAMBABATAS NAKATUTOK SA YAPAK NG AMANG COMPAÑERO

NAGAGALAK na nagpasalamat sina Senador Alan Peter at Pia Cayetano nitong Martes para sa malakas …

Imee Marcos RCEP

Tutol sa RCEP
IMEE UMIWAS PANGALANAN NASA LIKOD NG RATIPIKASYON

NANINIWALA si Senadora Imee Marcos na mayroong puwersa na nag-uudyok upang madaliin ang pagratipika ng …

shabu drug arrest

Ex-con, balik-selda sa P7.1-M shabu

BALIK-HOYO ang isang ex-convict na nahulihan ng mahigit sa P7.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu …