Saturday , July 20 2024
night club Coivd-19
night club Coivd-19

Operasyon ng KTV bar sa Pasay nabuko

NABUNYAG ang operasyon ng isang  KTV bar sa Pasay City na ikinaaresto ang mga empleyado, dahil sa paglabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ)  Alert Level 4 sa Metro Manila.

Kinilala ni Pasay City police chief, Col. Cesar Pasayos ang mga suspek na sina  Michael Relampago, 29, floor manager, residente sa San Marino Height, Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite; Elren Pusing, 32, waitress; Mark Anthony Cerbito, 27, waiter; Joel Caalim, 26, waiter; Jerry Quartero, Jr., 28, waiter; at Arjay Glen Rebulas, 33, ng nasabing bar.

Sa ulat ni P/Cpl. Gene Harmon Ashby, imbestigador, dakong 2:30 am nitong Linggo, 3 Oktubre, sinalakay ng mga operatiba ng Station Intelligence Section ang GLX Galaxy KTV Bar na matatagpuan sa Hobbies of Asia, Macapagal Boulevard, Pasay City.

Nauna rito, may nakarating na impormasyon sa awtoridad na nananatiling nag-o-operate ang naturang KTV bar sa kabila ng pandemyang CoVid-19.

Huli sa akto ng mga pulis ang mga suspek sa loob ng bar, malinaw na paglabag sa IATF guidelines  na ang mga bar at night clubs ay hindi pinapayagan sa ilalim ng GCQ Alert Level 4,  kaya agad silang dinampot.              

Ang lahat ng dinampot ay inisyuhan ng City Ordinance Violation Receipt (COVR) sa paglabag sa social distancing at curfew sa ilalim ng Pasay City Ordinance No. 6129 habang ang floor manager na si Relampago ay isinailalim sa inquest proceeding sa Pasay Prosecutor’s Office para sa hiwalay na criminal charge sa paglabag sa RA 11332, Sec (e), (Non-cooperation of the person or entities identified as having a noticeable disease or affected by the health event of emergency).

Ipinasara ng lokal na pamahalaan ang  naturang KTV bar habang umiiral ang IATF guidelines.  (GINA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

SM 3 day Sale FEAT

Every Deal You Shouldn’t Miss Every Day, this SM Store 3 Day Sale

SM Store, your Everyday Store, is thrilled to announce that the biggest sale of the …

Collectors Con Year 2 Funkos The Block Atrium SM North EDSA

Collectors Assemble: Collectors Con Year 2 brings Exclusive Drops, Limited-editions and Supersized Funkos

Promising the ultimate collector’s adventure in the North, Collectors Con is back at The Block …

CPP PNP NPA

Miyembro ng CPP-NPA boluntaryong sumuko sa Bulacan police

ISANG miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang boluntaryong sumuko sa …

SSS Cellphone

SSS nagbabala sa miyembro at publiko sa mga pekeng alerto sa text

BINALAAN ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito at ang publiko na maging …

Arrest Posas Handcuff

  Kawatan sa coffee shop, timbog

DAHIL sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay kaagad naaresto ang isang lalaki na …