Saturday , March 25 2023
Colin Powell

First Black American Secretary of State
COLIN POWELL PATAY SA COVID-19 COMPLICATIONS

BINAWIAN ng buhay si Colin Powell, isang retired four-star general na naging kauna-unahang Black US secretary of state at chairman ng Joint Chiefs of Staff kamakalawa dahil sa mga komplikasyong dulot ng CoVid-19.

Ayon sa isang kalatas ng pamilya Powell na ipinaskil sa Facebook, si Powell, 84, ay fully vaccinated ng bakuna kontra CoVid-19 at nasa Walter Reed National Medical Center dahil sa iba pang mga sakit gaya ng multiple myeloma at Parkinson’s disease.

Sumailalim sa operasyon para sa prostate cancer si Powell noong siya’y secretary of state sa ilalim ng administrasyon ni President George W. Bush.

Bilang chief diplomat, inihayag ni Powell sa pamosong talumpati sa United Nations Security Council noong Pebrero 2003 ang argumento ng White House sa pagsakop sa  Iraq bunsod sa nakalap na ebidensiya ng intelligence coomunity na may nakatagong weapons of mass destruction sa naturang bansa.

Ang mga iniharap niyang ebidensiya kaugnay sa biological weapons ng Iraq ay napatunayang hindi totoo at noong mare-elect si Bush noong 2004 ay lumisan si Powell sa administrasyon.

Sa panayam kay Barbara Walters sa ABC News noong 2005, sinabi ni Powell na pinagsisihan niya ang mga naging pahayag niya sa UN noong 2003 at ito’y habambuhay na nag-iwan ng mantsa sa kanyang record at dadalhin niya ang sakit na idinulot nito.

Kahit miyembro ng Republican Party, inendoso niya ang presidential bid ni Democrat standard bearer Barack Obama noong 2008 at 2012 at naging vocal critic siya ni President Donald Trump.

Matapos ang pag-atake ng Trump supporters sa Capitol noong 6 Enero 2021, tuluyan nang tinlikuran ni Powell ang Republican Party. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …