Sunday , March 16 2025

NTC inutil
SABOTAHE SA EMERGENCY TEXT BLAST ‘DI MAAWAT

100721 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

WALANG kakayahan ang National Telecommunications Commission (NTC) para awatin ang mga nananabotahe sa emergency text blast para sa iba’t ibang agenda lalo kung ito’y politikal.

Inamin ni NTC Undersecretary Edgardo Cabarios na bagama’t iniimbestigahan, mahihirapan ang ahensiya para alamin kung sino ang nasa likod ng kumalat na ‘illegal’ emergency text blast kahapon bilang patalastas sa 2022 presidential bid ni dating Sen. Ferdinand  “Bongbong” Marcos, Jr.

Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang inatasan mangasiwa sa pagpapadala ng telcos ng  free mobile alerts pero ginagawa lamang ito kapag may lindol, bagyo o iba pang kalamidad.

Ayon sa NDRRMC, hindi nanggaling sa kanila ang emergency text blast na nag-aanunsiyo sa Marcos presidential advertisement.

“Illegal operation of registration ‘yan. Falls under the radio control law. The directive is given to our regulation branch to do the investigation na.

“Wala pa kaming equipment to track down, wala pa, may kamahalan,” sabi ni Cabarios sa News5.

“Hindi ‘yan text alert na nanggaling sa NDRRMC kasi base sa ating rules, ‘yung free alerts ay mayroong coordination ng NDRRMC at telco na only alerts from NDRRMC ang ite-text blast ng mga telco,” dagdag niya.

“We coordinated with telco, walang ganoong ipinadala ang NDRRMC. So, therefore hindi ‘yan galing sa NDRRMC at hindi dumaan sa network nila. Most probably hindi pa natin kino-conlcude, most probably galing yan sa portable cell sites illegally operated,” ani Cabarios.

Itinanggi ng kampo ni Marcos na may kinalaman sila sa illegal emergency text blast.

The illegal use of the emergency blast was done at a time when Bongbong Marcos was filing his COC and is viewed as among the many demolition jobs unleashed by those who obviously want to frustrate his candidacy.”

Para kay Text Alert Law author dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, “Either ginagamit ng BBM camp ang emergency SMS facility ng gobyerno or they are misprepresenting as an emergency alert what is clearly a political ad.”

Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na gagawin ng mga kaukulang ahensiya ang lahat upang mapanagot ang mga responsable sa illegal emergency text alert.

“Whoever did this, has to be held accountable. This is a reprehensible strategy, and it should not be replicated by anyone,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.

“And I hope that the relevant agencies will move heaven and earth to find out who did this and hold them to account,” giit ni Jimenez.

About Rose Novenario

Check Also

FPJ Panday Bayanihan partylist

Proteksiyon sa Frontliners hangad ng FPJ Panday Bayanihan partylist

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang Good Samaritan Law upang tiyakin ang proteksiyon para …

TRABAHO Partylist

TRABAHO Partylist pabor sa mandatory 30% local output para sa PH-made vehicles

IDINEKLARA ng TRABAHO Partylist ang kanilang suporta sa iminungkahing magkaroon ng mandatory 30% local output …

Arra Corpuz WuNa Team Philippines

WuNa Team Philippines kumolekta ng 45 golds sa Hong Kong wushu tourney

Tila nasa alapaap pa rin ang Wushu Arena Quezon City (WuNa Team Philippines) matapos mapanalunan …

Buhain PAI Swim

PAI youth swimming program sa Southern Tagalog tampok sa Buhain Cup

MAHIGIT 300 swimmers mula sa mga inimbitahang paaralan, member club, at local government units (LGUs) …

Arrest Shabu

Higit P1.2-M shabu nasamsam, 2 armadong tulak tiklo sa Bulacan

SA KAMPANYA laban sa ilegal na droga at baril, naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang …