Thursday , June 4 2026
Bureau of Immigration
Bureau of Immigration

5 foreign national inaresto ng Bureau of Immigration

LIMANG foreign nationals ang inulat na inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng Intelligence Division ng ahensiya.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, dinakip ang mga dayuhan na pawang walang wastong working visa o lumabag sa mga kondisyon ng kanilang pananatili sa bansa.

Gaya ng isang South African national na inaresto noong 12 Pebrero sa Camp Fort Magsaysay sa Nueva Ecija; isang Faaiz Ameer Garnie, 32 anyos; at isang Imran Khattak na dinakip dahil sa hindi pagsunod sa kaukulang proseso ng imigrasyon.

Sa isang hiwalay na operasyon noong 13 Pebrero, inaresto ang dalawang Chinese national sa Iloilo.

Kinilala ang mga inaresto na sina Wang Jiabai, alyas Kevin Wang, 43 anyos; at Wang Libi, alyas Lisa, 46 anyos.

Parehong ipinaalam ng mga awtoridad ang kanilang mga karapatan alinsunod sa konstitusyon at dinala sa mga kinauukulang awtoridad para sa booking at dokumentasyon bago dinala sa Maynila.

Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng BI Warden Facility habang hinihintay ang proseso ng deportasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …