Thursday , June 4 2026
dead gun

Pamangkin ng mayor utas sa ambush

PATAY ang pamangkin ni Shariff Aguak Mayor Akmad Ampatuan, Sr. na unang nakaligtas sa ambush noong nakalipas na buwan, matapos pagbabarilin ng armadong grupo habang lulan ng sasakyan kasama ang ilang kaanak nitong Martes ng umaga sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Sa inisyal na ulat ng Police Regional Office -Bangsamoro Autonomous Region, mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang ikinamatay ni Datu Murshid Ampatuan, anak ng nakababatang kapatid ni Shariff Aguak Mayor Ampatuan, Sr. na unang nakaligtas sa ambush nang pasabugan ng B40 rocket propelled grenade (RPG) ang sasakyang bullet-proof nito habang bumabagtas sa sentro ng kanilang bayan, halos apat na linggo pa lang ang nakalilipas.

Sa imbestigasyon, sakay si Datu Murshid, ang tiyuhin na si Datu Yasser na kapatid ng nasabing mayor, at isang Lemon Angkad Bangen ng isang kulay itim na Nissan Livina nang sila ay tambangan at pagbabarilin ng  armadong kalalakihan sa isang bahagi ng highway sa Sitio Panang sa boundary ng Kabengi at Salbu sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan ng nasabing lalawigan.

Dead-on-the-spot ang biktima habang parehong sugatan sina Datu Yasser at Bangen na agad naisugod ng emergency responders sa isang ospital upang malapatan ng lunas.

Ayon mismo kay Ampatuan, naniniwala siyang may koneksiyon ang naturang insidente sa pag-ambush sa kanya nitong nakalipas na buwan, sa sentro ng Shariff Aguak, ng tatlong lalaking armado ng RPG, at mga M16 assault rifles.

Tinarget ng isa sa tatlong salarin ng B40 RPG ang bullet-proof na sasakyan ng mayor na nagresulta nang bahagyang pagkasugat ng kanyang dalawang escort.

Agad napatay ng mga sundalo at mga pulis ang tatlong nag-ambush kay Mayor Ampatuan, Sr. at kanyang mga kasama sa isang hot pursuit operation sa hindi kalayuang bayan ng Datu Unsay, dalawang kilometro ang layo mula sa pinangyarihan ng ambush sa Shariff Aguak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …