Thursday , June 4 2026
Digital Payment Money

Negosyanteng kidnap victim nasagip
Kidnappers natunton sa digital payment

ARESTADO ang tatlong suspek at matagumpay na nasagip ng mga awtoridad sa lungsod Quezon ang isang lalaking negosyante matapos dukutin at ipatubos sa halagang P50 milyong ransom.

Ayon kay Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) chief, P/BGen. Glicerio Cansilao, ligtas na ang biktima at kapiling na ang kaniyang mga kapamilya, habang nasakote ang tatlong suspek an kinilala sa mga alyas na AG, TP, at MD.

Nauna nang humingi ng tulong ang pamilya sa PNP-AKG nang hindi nakauwi ang biktima sa kanilang bahay at hindi na rin matawagan sa telepono.

Huling nakita ang biktima sa lungsod ng Mandaluyong noon pang 12 Pebrero.

Sa isinagawang CCTV backtracking at intelligence operation, nakita ng mga awtoridad ang pagtangay ng mga suspek sa biktima.

Napag-alaman na humingi ang mga suspek ng P50-milyong ransom upang palayain ang biktima.

Bumaba ang ransom sa P4,000,000 hanggang nagbayad ang pamilya ng inisyal na P250,000 sa pamamagitan ng digital wallet.

Ito ang ginamit ng mga tauhan ng PNP-AKG upang makakuha ng impormasyon at matukoy ang kinaroroonan ng mga suspek.

Nang makakalap ng sapat na detalye, isinagawa ng mga awtoridad ang rescue operation hanggang madakip ang tatlong suspek.

Pahayag ni Cansilao, may iba pang suspek ang pinaghahanap kabilang ang mastermind sa pagdukot sa biktima.

Kasalukuyan nang inihahanda ang mga karampatang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …