Thursday , December 18 2025

hataw tabloid

‘Ninja’ removal sa comfort woman statue pinaiimbestigahan

INIHAYAG ng mga kinatawan mula sa Gabriela Women’s Party nitong Linggo, na maghahain sila ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang estilong “ninja” na pagbaklas sa rebulto ng comfort woman sa Roxas Boulevard. Inihayag ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pagkondena ng party-list sa pagbaklas ng rebulto, dahil ito ay tumutukoy sa “obliteration of Japan’s gross and systematic sexual …

Read More »

Pagpaslang kinondena ng CBCP

KINONDENNA ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpatay kay Father Mark Ventura, isang Catholic priest ng Archdiocese of Tuguegarao, makaraan magmisa sa Gattaran, Cagayan, nitong Linggo. “We are totally shocked and in utter disbelief to hear about the brutal killing of Fr. Mark Ventura, Catholic priest of the Archdiocese of Tuguegarao,” ayon sa CBCP. “Right after celebrating …

Read More »

Deployment ban sa Kuwait mananatili – Duterte (OFWs hinimok umuwi)

OFW kuwait

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo na mananatili ang deployment ban o pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait. “The ban stays permanently. There will be no more recruitment, especially for domestic helpers. Wala na,” pahayag ng pangulo pagkalapag sa Davao City makaraan dumalo sa ika-32 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit sa Singapore. Binitiwan …

Read More »

Pari itinumba sa harap ng altar (Pagkatapos magmisa)

gun dead

AGAD binawian ng buhay si Reverend Father Mark Ventura, isang paring Katoliko, makaraan pagbabarilin sa harap ng altar matapos ang misa sa isang barangay sa bayan ng Gattaran sa lalawigan ng Cagayan, nitong Linggo ng umaga. Sa imbestigasyon ng pulis-Gattaran, nangyari ang insidente pasado 8:00 umaga sa Brgy. Peña West. Napag-alaman, kakatapos ng misa ni Fr. Mark nang lapitan siya …

Read More »

Sison handang bumalik sa PH para sa peace nego

INIHAYAG ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison nitong Lunes, handa siyang tapusin ang kanyang exile at direktang makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte kung titiyakin ng Punong Ehekutibo na ang usapang pangkapayapaan ay hindi na muling masisira ng “peace spoilers.” “Sa posibilidad na uuwi para makasama ko si Presidente Duterte na gabayan ang peace negotiations at …

Read More »

Biyahe naantala sa eroplanong tumirik sa runway (Para sa kaligtasan ng pasahero)

TUMIRIK sa runway ng Zamboanga International Airport ang isang eroplanong kalalapag pa lang, nitong Lunes ng umaga. Ayon sa ulat, tumigil ang flight 5J-849 ng Cebu Pacific dahil sa “steering fault” dakong 6:30 ng umaga, ayon kay Charo Logarta-Lagamon, corporate communications director ng airline. Ligtas aniya ang 180 pasahero ng eroplano, ngunit tumagal nang dalawang oras bago naialis sa runway. …

Read More »

Barangay executives sasampolan (Bigo sa BADAC) — DILG

BILANG pagtupad sa kanyang babala, inianunsiyo ni Interior and Local Government Assistant Secretary Jonathan Malaya nitong Lunes, na maghahain na ng kaso ngayong linggo laban sa barangay officials na bigong magpatupad ng Barangay Anti-Drug Abuse Council. “Ipa-file po namin ito sa Ombudsman, malapit lang naman. Sasampol muna kami,” pahayag ni Malaya sa pulong balitaan sa DILG-NAPOLCOM building sa Quezon City. …

Read More »

Disiplina tanging solusyon sa kaunlaran ng bansa

HINIMOK ni Pasig River Rehabilitation Commission Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia ang taong bayan na pairalin ang disiplina upang mapigilan ang labis na pagtatapon ng mga basura sa daluyang tubig at tributaryo ng Ilog Pasig. Bagamat araw ng Linggo, imbes nagpapahinga, sinikap ni Goitia na pangunahan ang kanyang mga River Warriors na linisin ang malahalimaw na basura …

Read More »

Pass-on charges ‘wag ipataw ng Akelco sa consumers (Sa Boracay closure)

electricity meralco

HINIKAYAT ni Senador Sherwin Gatchalian ang Aklan Electric Cooperative Inc. (Akelco) nitong Lunes na i-invoke ang “force majeure” upang hindi maipasa ang extra power charges sa consumers sa loob ng six-month closure ng Boracay islands simula ngayong linggo. “Clearly, the complete closure of Boracay is an unforeseeable event completely beyond the control of AKELCO. This is definitely an instance when …

Read More »

Barangay elections hindi na dapat mapolitika

sk brgy election vote

HINDI pa man opisyal na kampanya para sa mga magsisitakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay maigting na ang mga pasaringan at pabonggahan na ang kani-kanilang pagpapakilala sa publiko. Mapapaisip ka talaga kung barangay elections ba ang pinaghahandaan nila o ‘yung midterm polls na sa 2019 pa mangyayari? Halata rin na may ‘kulay’ ang bawat grupo ng mga nagsisitakbo …

Read More »

Life sa bebot na nambugaw sa 13-anyos, 3 iba pa (Sa Laguna)

arrest prison

HINATULAN ng Laguna judge ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang babaeng napatunayan na sangkot sa human trafficking, na naaktohang ibinubugaw ang apat babae, kabilang ang isang dalagita, sa isang pulis na nagpanggap na kustomer noong 2016. Sa March 16 resolution, napatunayan ni San Pedro City Regional Trial Court Branch 31 Judge Sonia T. Yu-Casano na guilty ang akusadong si Lilibeth …

Read More »

Mag-asawang senior citizens hinataw ng kawatan

nakaw burglar thief

TAYABAS, Quezon – Kapwa sugatan ang matandang mag-asawa mula sa hataw sa mukha ng hindi kilalang suspek na nanloob sa kanilang bahay sa bayang ito, nitong Sabado ng madaling-araw. Salaysay ng residenteng si Mark Labaro, nakita niyang duguan at palakad-lakad ang mga biktimang sina Tessa Pabino, 62, at Robert Albiña, 65, kaya dinala niya sa pagamutan. Ikinuwento aniya ng mag-asawa …

Read More »

90% ng PNP force magbabantay sa barangay, SK elections

pnp police

INIHAYAG ng Philippine National Police na 90 porsiyento ng kabuuang lakas ng 190,000-strong police force ang ide-deploy ng PNP para sa seguridad ng Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) elections sa 14 Mayo. “Basically all systems go na tayo riyan, bago naman ako nag-assume riyan I’m sure naka-ready na ‘yung ating mga [ka]pulis[an], ang basic diyan is 90 percent of the …

Read More »

Jeep nabundol ng SUV, tumaob (8 sugatan)

road accident

BUMALIKTAD ang isang pampasaherong jeep makaraan itong tumbukin ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Bukod sa jeep na may sakay na pitong pasahero, sinabing una nang nabangga ng SUV ang isang bisikleta sa parking lot ng Diliman Preparatory School, batay sa imbestigasyon ng pulisya. Agad isinugod sa East Avenue Hospital ang …

Read More »

Nigerian inambus sa Las Piñas, patay

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang Nigerian national makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Las Piñas City, nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Didicus Ohaeri, taga-Bacoor, Cavite. Sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas Police, binabagtas ni Ohaeri ang Alabang-Zapote Road sakay ng kanyang kotse nang pagbabarilin siya ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo dakong 11:30 ng …

Read More »

Dayao bumasag ng record sa mas mataas na dibisyon

NAKAGUGULAT  ang ginawa ng ‘Super Boy’ ng Philippine Sports na si Jose “Sunday” Masangkay Dayao 111 ng Cyber Muscle Gym sa katatapos  na 2018 Philippine National Open & Age Group Po­werlifting Championships na ginanap sa Fisher Mall Quezon City nitong Sabado, impresibong binasag niya ang mga records sa Squat-70kgs, Bench press-38kgs, Total-188kgs at  single Lift Bench press-38kgs. Ipinakita ni Dayao sa mga nanonod …

Read More »

CH Ligaya Santos inasunto ng MMDA sa DILG (Sa illegal terminal sa Lawton)

SINAMPAHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes ng kasong administratibo ang isang Manila barangay chairperson dahil sa talamak na road obstructions sa Ermita, Maynila. Kinilala ang barangay chairperson na si Ligaya Santos y Villaruel, 77-anyos, na sinabing notoryus sa pagmamantina ng illegal terminal at illegal vendors na malaking abala sa maluwag na pagdaloy ng trapiko sa nasabing lugar. …

Read More »

Yelo bumuhos sa Benguet

UMULAN ng mga butil ng yelo sa Atok, Benguet nitong Sabado habang maalinsangan sa ibang bahagi ng bansa. Ayon sa mga residente, nasira ang mga pananim dahil sa hailstorm sa ilang farm at nagkalat ang mga butil ng yelo sa mga kalsada sa Sitio Sayangan, Brgy. Paoay. Nabatid mula sa weather bureau PAGASA, may nangyari nang pag-ulan ng yelo sa …

Read More »

PNP kasado na sa 6-month Boracay closure

boracay close

BORACAY – Nakahanda na ang mga pulis para sa 6-month closure ng isla na magsisimula ngayong Huwebes. Sinabi ni Supt. Cesar Binag, Western Visayas police chief, ang 630-member strong Joint Task Force Boracay ang inatasang magpatupad ng seguridad sa Boracay habang ang isla ay isinasailalim sa malawakang paglilinis at rehabilitasyon. Ayon kay Binag, ang mga miyembro ng task force mula …

Read More »

College dean inaresto ng NBI sa ‘sextortion’ (Sa Surigao City)

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang college dean sa Surigao City dahil sa reklamong ‘sextortion’ ng isang estudyante nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Randy Retulla, inireklamo ng isang 21-anyos lalaking estudyante. Ayon sa reklamo ng estudyante, nagkasama sila ng college dean sa isang hotel noong Disyembre ng nakalipas na taon …

Read More »

World Slasher Cup 2 may online registration

Sabong manok

MAGKAKASUBUKANG muli ang mga de-kalidad na panabong sa pagsigwada ng 2018 World Slasher Cup 2 na lalarga sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum mula May 6 hanggang May 12, 2018. Inaasahang muli ang matitinding bakbakan sa rueda ng matitinding lahi ng mga manok mula sa lokal na breeders at ang manggagaling sa iba’t ibang bahagi ng mundo para paglabanan ang se­cond …

Read More »

EO vs Endo ‘di na pipirmahan ni Digong (Sesertipikahang priority bill) — DoLE

HINDI na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order (EO) hinggil sa kontraktuwalisasyon, anunsiyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nitong Huwebes. Sinabi ni Bello sa pulong balitaan sa Department of Labor and Employment (DOLE), sesertipikahan na lamang ni Duterte bilang priority bill ang nakabinbing panukala sa Senado kaugnay sa “security of tenure.” Aniya, ang tatlong drafts ng EO …

Read More »

Bakbakang Donaire-Frampton sa Linggo na

SASAGUPA ang dating world champion na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa darating na Linggo (Abril 22) kay Carl “The Jackal” Frampton para sa interim World Boxing Organization (WBO) Featherweight division na kampeonato sa SSE Arena sa Belfast, United Kingdom. Mapapanood ang naturang bakbakan sa ABS-CBN S+A at S+A HD sa primetime ng 6:30 pm habang LIVE naman itong …

Read More »