Monday , January 6 2025

hataw tabloid

Tiamzon couple sinundan ng riding in tandem (Makaraan makipagpulong kay Digong)

INIHAYAG ng National Democratic Front, ang kanilang consultants, ang mag-asawang sina Benito at Wilma Tiamzon, ay sinundan ng isang grupo ng kalalakihan makaraan makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang nitong nakaraang linggo. Sinabi ni NDFP peace panel chair Fidel Agcaoili, makaraan makipagpulong kay Duterte, pinuntahan ng mag-asawang Tiamzon ang Lapanday farmers na nagtipon-tipon sa Don Chino Roces Bridge (dating …

Read More »

PCG officers ipinadala sa China

IPINADALA ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 20 nilang tauhan sa China para sa dalawang linggong pagsasanay, sa pamumuno ng Chinese Coast Guard. Ang pagsasanay na isasagawa sa Ningbo City, Zheijang province, ay gagawin mula 4-20 Mayo. Kalahati ng PCG men na ipinadala sa China ay legal officers na dadalo sa China-Philippine Coast Guard Legal Affairs seminar. Habang ang kalahati …

Read More »

Seguridad hirit ng Muslim sa Quiapo (Sa pagsapit ng Ramadan)

HINILING ng mga residenteng Muslim sa Quiapo, Maynila, sa pulisya ang dagdag seguridad lalo na’t magsisimula na ang Ramadam sa 26 Mayo. Ito ay dahil matin-ding takot pa rin ang nararamdaman ng mga Muslim sa naturang lugar dahil sa magkakasunod na pagsabog na ikinamatay ng dalawang sibilyan. Nangangamba ang mga Muslim, baka dahil sa takot ay walang mag-enrol na mga …

Read More »

Magulang ng batang pasaway panagutin

ISINUSULONG ngayon sa Kongreso ang pagpapababa sa edad ng kriminal. At kasabay nito, ipinanukala rin na bukod sa mga batang kriminal na dapat parusahan ng batas, bigyan din ng kaparusahan ang kanilang mga magulang. Sa panukala ni party-list Rep. Jose Panganiban (ANAC-IP), dapat panagutin ang mga magulang ng mga batang nakagawa ng krimen dahil sila ang dapat nangangalaga sa kanila, …

Read More »

Imelda Marcos: Buhay pa ako

Imelda Marcos

PERSONAL na nagpakita si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa mababang kapulungan ng Kongreso, kasunod ng mga ulat hinggil sa kanyang pagkamatay. Kabilang si Marcos sa mga unang dumating sa plenary session kahapon. “Eto, buhay pa. Ganoon pa rin. Eto, nakakapasok pa ‘ko sa Congress saka nangunguna kami,” pahayag niya sa mga reporter. Nang …

Read More »

Gen. Bato nag-sorry sa Quiapo blasts

NAGPAHAYAG ng kalungkutan si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay sa naganap na pagsabog sa Quiapo. “We are very sorry… Nalusutan tayo,” pahayag ni dela Rosa sa press conference makaraan ang PNP flag-raising ceremony kahapon. Naganap ang dalawang magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila nitong Sabado, ikinamatay ng dalawa katao, kinilala ang isa na si Mohamad Bainga …

Read More »

Bomb sender sa Quiapo tukoy na

INIHAYAG ng mga imbestigador, batid na nila ang pagkakakilanlan ng taong nagpadala ng bomba sa courier service para ihatid sa Quiapo, Maynila, na ikinamatay ng dalawa katao nitong Sabado. “Mayroon po tayong iniimbestigahan diyan. Of course, mayroon pong log iyan, at ‘yan ang iniimbestigahan natin,” pahayag ni Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Police Regional Police Office. Ayon kay …

Read More »

Suspek sa april 28 Quiapo blast hawak na ng PNP

HAWAK na ng pulisya ang isa sa mga suspek sa pagsabog sa Quiapo, Maynila, noong 28 Abril. Iniharap sa media ng Manila Police District ang suspek na si Abel Maca-raya, sinampahan ng kasong multiple frustrated murder at illegal possession of explosives. Sa nasabing pagsabog noong 28 Abril, 13 katao ang nasugatan sa insidenteng paghihiganti ang motibo laban sa stall owner …

Read More »

Janet napoles inabsuwelto ng CA (Sa kasong illegal detention)

INABSUWELTO ng  Court of Appeals (CA) si Janet Lim Napoles sa illegal detention case na inihain ng whistleblower na si Benhur Luy. Binigyang-diin ang “reasonable doubt,” binaligtad ng CA ang desis-yon ng Makati Regional Trial Court, at iniutos ang agarang pagpapalaya kay Napoles. Gayonman, si Napoles ay nahaharap sa iba pang non-bailable cases. Ang desisyon ng CA ay makalipas ang …

Read More »

Sobrang daldal ni Ping

ping lacson

MAKAKITA lang ng magandang butas o pagkakataon, pasok kaagad itong si Sen. Panfilo “Ping” Lacson.  Daldal kaagad sa harap ng media, makakuha lang ng magandang mileage. Ang ganitong estilo ni Lacson ay hindi na bago.  Parang pusa na nag-aabang ng daga para masakmal niya ang balita. Ibig sabihin, kumukuha lang talaga si Lacson ng magandang tiyempo para maka-anggulo sa balitang …

Read More »

Dating aktres/singer, inilalako pa ng P100K kahit masyonda na

blind item

NALOKA ang isang kaibigan nang ikinuwento sa kanya ang isang dating aktibong aktres/singer na ‘lumalakad’ pa rin hanggang ngayon bagamat hindi na ganoon kabata. “Baka magalit sa kanya ang discoverer niya!” sambit nito. Ang nakakaloka pa ay nang malaman nito ang halaga sa ‘paglalakad’. Tumataginting lang naman na P100K. Kaya nga marami ang nagtaas ng kilay sa padyokad na aktres/singer …

Read More »

Paglahok ni De lima sa Senate hearings haharangin ng DoJ

HAHARANGIN ng Department of Justice (DoJ) ang ano mang hakbang para pahintulutan ang detinidong si Sen. Leila de Lima sa paglahok sa mga pagdinig kaugnay sa death penalty bill. Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ang pagtutol ng DoJ ay dahil sa katotohanang si De Lima ay nakakulong. “When one is incarcerated, some of your rights and privileges are …

Read More »

Alvarez, Fariñas batugang tandem sa Kamara

REFILED pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalarga ang priority bills na sinertipikahan ng Palasyo gaya ng freedom of information, panukala para tuluyang magwakas ang political dynasties, at karagdagang pension sa mga miyembro ng SSS, itinuturing na magiging landmark at legacy ng administrasyon ni Pangulong  Rodrigo “Digong” Duterte. “Tamad kasi at batugan ang liderato nina House Speaker Pantaleon Alvarez …

Read More »

Shiite Muslim cleric na BIR officer target sa Quiapo blast

NANINIWALA ang pulisya na isang Shiite Muslim cleric ang puntirya sa pagpapasabaog na ikinamatay ng dalawa katao sa Quiapo, Maynila, nitong Sabado ng gabi, at mariing itinanggi ang pagkakasangkot ng mga terorista sa insidente. Anim katao ang nasugatan sa dalawang pagsabog sa opisina ng imam na si Nasser Abinal, sa Quiapo district. Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, …

Read More »

Blast victims kilala na

KINILALA na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilan sa mga nasugatan sa magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila, kamakalawa. Sa unang pagsabog, kabilang sa mga nasugatan sina Jaber Gulam, tubong Lanao Del Sur; Datu Sohair Adapun, tubong Marawi City; at Hajhi Ali, ng Gunao, Quiapo. Samantala, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang sugatan. Sa ikalawang pagsa-bog …

Read More »

UH-1D helicopter sa PAF susuriin

KASABAY ng imbestigasyon ng Philippine Air Force (PAF) sa sanhi nang pagbagsak ng isa nitong helicopter sa Tanay, Rizal, susuriin din ang kondis-yon ng iba pa nilang UH-1D helicopters. Sa ngayon, mahigpit na ipinagbabawal na galawin ang crash site habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng Air Force. Habang mananatiling naka-half-mast ang pambansang watawat sa mga lugar na pinagsilbihan ng …

Read More »

Martial law victims may kompensasyon (300 sa 4,000 claimants)

IPAMAMAHAGI na ang paunang bayad ng kom-pensasyon sa mga biktima ng martial law, sa Lunes, ayon sa Human Rights Violation Claims Board (HRVCB) Simula sa Lunes, 300 mula sa unang 4,000 claimants ang makatatanggap ng kalahati ng kanilang kompensasyon, na naaayon sa batas. Ang claimants ay makatatanggap ng mo-netary reparation at may claims na may pinal nang desisyon. “Meaning, that …

Read More »

150 bahay sa Cavite natupok

fire sunog bombero

DASMARIÑAS – Uma-bot sa 150 kabahayan ang natupok nang masunog ang isang residential area, nitong Sabado ng mada-ling araw. Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog na sumiklab sa Sanitary Compound, Brgy. Sta. Lucia, Dasmariñas City, Cavite. Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng apoy, ngunit hinihinalang mula ito sa bahay ng isang residenteng nakaiwan nang …

Read More »

Sumali sa Gawad KWF sa Sanaysay 2017!

Tuntunin. Ang Gawad KWF sa Sanaysay ay bukás sa lahat maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak. Ang paksa ng sanaysay ay maaaring pagtalakay ng konsepto o resulta ng saliksik sa larang na agham-pangkalikasan, agham panlipunan, matematika, o mga katulad nito. Kailangang nasusulat sa Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala, at hindi rin salin mula sa ibang …

Read More »

PINOY OFW ng 8TriMedia Broadcasting Network sa Radio DZRJ (810 Khz/AM)

NAGING panauhin kamakailan nina Hannah Señeres (ikalawa sa kanan) at Bing “Gemma Gumamela” Comiso (ikalawa sa kaliwa) sa kanilang prgramang PINOY OFW ng 8TriMedia Broadcasting Network sa Radio DZRJ (810 Khz/AM) ang kilalang OFW advocate sa Jeddah at social media manager ng Office of the Presidential Spokesman na si Frank Resma (gitna). Nasa larawan din si broadcaster at Hataw columnist …

Read More »

26 preso namatay sa sakit at siksikan sa kulungan

dead prison

UMABOT 26 preso sa iba’t ibang kulungan sa Metro Manila, ang namatay dahil sa sakit bunga nang siksikang mga kulungan. Ayon kay National Ca-pital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, simula 1 Hulyo 2016 nang magsimula silang makapagtala ng mga namamatay na preso. Dagdag ni Albayalde, biglang lumobo ang bilang ng mga nakakulong dahil sa kampanya sa ilegal …

Read More »

19 ASG member sumuko sa Basilan

ZAMBOANGA CITY – Nasa 19 aktibong kasapi ng teroristang Abu Sayyaf ang panibagong sumuko sa tropa ng pamahalaan sa lalawigan ng Basilan. Ayon kay Western Mindanao Commander (WestMinCom) Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., kabilang sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang Abu Sayyaf sub-leader, na kinilalang sina Nur Hassan Lahaman alyas Hassan, at Mudz-Ar Angkun alyas Mapad Ladjaman. Kasama nilang …

Read More »

Arestadong ASG tigbak sa parak (Nagtangkang tumakas)

dead gun

CEBU CITY – Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG) na nahuli sa Brgy. Tan-awan, Tubigon sa probinsiya ng Bohol kamakalawa, makaraan tangkang tumakas sa Bohol Provincial Police Office (BPPO), kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Police Regional Office-7 director, Chief Supt. Noli Talino, bandang 2:00 am, habang ibinabiyahe ang Abu Sayyaf member patungo sa bayan ng Cortes para …

Read More »

Pagkamatay ng ASG member, ipinabubusisi ni Gen. Bato

INIUTOS ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang imbestigasyon sa pagkamatay nang naares-tong Abu Sayyaf member sa Bohol na si Saad Samad Kiram alyas Abu Saad, habang nasa kustodiya ng mga pulis. Ayon kay PRO-7 Director Chief Supt. Noli Taliño, inatasan niya ang provincial police director ng Bohol, para pangunahan ang imbestigasyon partikular ang mga pulis na kasama …

Read More »