Wednesday , December 7 2022

Osdo sa Cotabato isinalang sa FB live ng lady mayor

INIHARAP ng alkalde ng Cotabato City sa Face­book Live ang mga suspek sa snatching at sinabing nagbebenta ng mga nakaw na gamit.

Ayon sa ulat, makiki­ta ang video habang ipinakikilala ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi, ang mga nasakote ng mga awtori­dad sa kampanya kontra-snatcher na sinimulan nitong Lunes.

Sa video, makikita pang pinagha-hi ng alkalde ang isang suspek na nakaposas.

“Gusto ko sanang ipakilala sa inyo ang isa pang snatcher sa Cotaba­to e, ito na. Pakilala ka, mag-hi ka sa kanila. Sabihin mo, kumusta ‘yung mga inisnatch-an ko?” utos ni Sayadi sa suspek.

Bukod sa snatcher, kasama ring iprinisenta ng alkalde sa kaniyang FB live ang mga arestadong nagbebenta umano ng mga ninakaw na gamit.

Sa video, nagbabala ang alkalde sa mga snatcher sa kanilang lugar na itigil na ang masa­mang gawain.

“I don’t really like to say bad words in public pero may kalalagyan kayo,” banta niya.

Sa kabuuan, apat na mandurukot umano ang inaresto at tatlo ang nagbebenta ng nakaw.

Hindi nasiyahan ang Commission on Human Rights sa ginawa ng alkalde kaya pinayohan ang lokal na opisyal na alisin ang naturang video post para hindi maharap sa kaso.

Iginiit  ng CHR na dapat isaalang-alang ang due process at “pre­sump­­­tion of innocence” ng mga suspek kaya hindi dapat basta ipresenta sa media o publiko.

“Hindi tama na ipini­presenta ang suspects, whether in media or other form, kahit maganda ang intensiyon ng mayor,” ani Atty. Jacqueline de Guia, spokesperson ng CHR.

Kamakailan ay iniuto ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde sa pulisya na itigil ang pagpiresenta sa publiko ng arestadong mga suspek bilang pagrespeto sa “rule of law” at sa kanilang karapatang pantao.

Gayonman, nanini­wala si Sayadi na wala siyang nilalabag na batas at dapat din umanong ikonsidera ang dami ng mga nabiktima ng mga kriminal sa kanilang lungsod.

Matatandaan, naging kontrobersiyal noon si Tanauan City Mayor Antonio Halili ng lalawi­gan ng Batangas, dahil sa kaniyang shame campaign sa pagpapa­rada ng mga nadadakip na umano’y pusher at mga mandurukot sa kanilang lugar.

About hataw tabloid

Check Also

knife saksak

Pera pinagtalunan ng mag-asawa
BABAE KRITIKAL, MISTER PATAY SA SARILING SAKSAK

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki matapos saksakin ang sarili habang sugatan ang kinakasama …

Covid-19

Sa Cagayan
154 ESTUDYANTE, GURO MAY SINTOMAS NG COVID-19 F2F CLASSES SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG ipinassuspende ni Mayor Samuel Siddayao ng bayan ng Gattaran, sa lalawigan ng Cagayan, ang …

Riding-in-tandem

Sa San Rafael, Bulacan
1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM

DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos …

Rodolfo Azurin Jr Sofronio Capitle Jr PNP

Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay

BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis …

MMDA, NCR, Metro Manila

MMDA clearing ops umarangakada na

MAHIGIT 30 sasakyan ang nahuli sa isinagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …

Leave a Reply