MTPB leader utas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang isang team leader ng towing operations ng Manila Traffic and Park­ing Bureau (MTPB) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Tondo, Maynila, nitong Miyerko­les.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, kinilala ang bikti­mang si Benjie Panin­dian ng District 1 ng MTPB.

Malapitang pinagba­baril si Panindian ng suspek sa bahagi ng Pa­rola Compound, ayon sa inisyal na imporma­syon ng Manila Police District.

Agad isinugod sa Mother and Child Hospi­tal sa Binondo ang biktima ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman ang pagpaslang sa trabaho ng biktima bilang team leader ng towing opera­tions ng District 1.