Monday , February 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hostage taker tigbak sa parak

PATAY ang isang hostage taker makaraan barilin ng nagrespondeng mga pulis makaraan pagsasaksakin ang tatlong miyembro ng kanyang pamilya sa Parañaque City, kahapon ng hapon.

Isinugod sa Paraña­que Community Hospital ang tatlong biktima na sina Roma Tubania, live-in-partner ng suspek; Rose Ann Dela Cruz, hipag, at Jerwin Ursal, 16, pa­mangkin, nilalapatan ng lunas sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang ka­tawan.

Habang dinala sa Ospital ng Parañaque ang hostage taker na kinila­lang si Celso Hernandez, na tinamaan ng bala sa bahaging kanan ng mukha ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Samantala, nasagip nang nagrespondeng mga operatiba ng Police Com­munity Precinct 4 (PCP-4) ang dalawang menor de edad na sina Kate Russell, isang taon gu­lang; at Ody Tubania, 3-anyos, mga anak ng suspek.

Ayon kay S/Insp. Jerry Sunga, nangyari ang hostage drama sa Lim Compound, Brgy. San Dionisio, Parañaque City dakong 4:30 ng hapon.

Nauna rito, naka­tanggap ng tawag ang PCP-4 mula sa Barangay Hall ng San Dionisio na may nagaganap na kaguluhan sa loob ng Lim compound, sinasabing ini-hostage ng isang lalaki ang kanyang pamilya.

Dali-daling nagres­ponde ang mga tauhan ng PCP-4 at Special Weapon and Tactics (SWAT) ng Parañaque City Police sa nasabing lugar.

Nadatnan nilang duguan na ang kinaka­sama ng suspek na si Roma, ang kapatid na si Rose Ann, at ang pa­mang­kin na si Jerwin, pawang may mga saksak kanilang katawan.

Nakipagnegosasyon ang mga awtoridad sa suspek ngunit binabale­wala niya.

Aktong sasaksakin din ng suspek ang dalawa niyang anak na menor de edad kaya pinaputukan siya ng mga miyembro ng SWAT.

Nailigtas ng mga pu­lis ang dalawang bata at dinala sa nasabing paga­mutan.

Inaalam ng mga aw­to­ridad ang motibo kung bakit ini-hostage ng sus­pek ang kanyang pamilya at kung nasa implu­wensiya siya ng ilegal na droga nang mangyari ang insidente.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

MVHOA DHSUD

MVHOA members hiniling sa DHSUD bantayan ilulunsad na eleksiyon

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga miyembro …

Arrest Posas Handcuff

15 taon nagtago
Most wanted ng CALABARZON tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person sa Regional Level sa ikinasang manhunt …

FreaK Accident LRT

23-anyos graduating student patay sa ‘freak accident’ 

ni ALMAR DANGUILAN SA BIYERNES pa ang a-trese, pero kahapon, Miyerkoles 11 Pebrero, isang matatawag …

P47-M illegal yosi 2 abandoned van

Sa patuloy na follow-up ops
P47-M ilegal at puslit na yosi nasamsam sa 2 abandanong van

NASABAT ng mga awtoridad ang dalawang van na naglalaman ng mga ilegal at puslit na …

Car pasalo Scam

Sangkot sa ‘pasalo scam’ pick-up truck nabawi sa NE

NABAWI ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang 2018 Nissan Navara pick-up na …