Saturday , January 4 2025

hataw tabloid

Hostages ng Somali pirates kumain ng daga (Limang taon sa gubat)

NAIROBI, Kenya – Isinalaysay nang nakalayang 26 seafarers ang naging karanasan nila sa limang taon pagiging hostage ng mga pirata sa Somalia. Ang nasabing seafarers ay mga tripulante ng barkong FV Naham 3 na ini-hijack ng mga pirata noong 2012. Kabilang sa kanila ang apat Filipino habang ang iba ay galing China, Cambodia, Indonesia, Vietnam at Taiwan. Sinabi ni Arnel …

Read More »

Laborer patay sa torture ng 2 bayaw

GENERAL SANTOS CITY – Sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng isang construction worker na nalagutan ng hininga sa pagamutan makaraan pasuin sa ari, pasakan ng kahoy sa bibig saka binugbog, inihulog sa tulay, dinampot saka itinapon sa imburnal ng dalawa niyang bayaw. Kinilala ang biktimang si Gino Cuyan, 20-anyos, residente ng Tago, Brgy. Bawing, nitong lungsod. Sa salaysay ng ama, …

Read More »

3 motorcycle riders tigok sa jeep

LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang tatlo katao nang masagasaan ng jeep makaraan magsalpukan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa bayan ng Bacnota, La Union. Kinilala ang mga biktimang sina Jed Almodovar, 19, lulan ng isang motorsiklo; Leonardo Mendoza, nakasakay sa isa pang motorsiklo, at ang angkas niyang si Jerbel Diaz, 17-anyos. Base sa imbestigasyon ng …

Read More »

Editorial: Itumba o kudeta?

MAAARI pa sigurong palagpasin ang tawaging “anak ka ng puta” ni  Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si US President Barack Obama. Tawaging “tarantado” si United Nations Secretary General Ban Ki-moon at European Union na “puta kayo!” Pero ang magkaroon ng isang independent foreign policy ang Filipinas sa ilalim ng administrasyon ni Duterte kasabay ng pagsasabing ititigil na ang war exercises sa …

Read More »

Bebot, 10-anyos dalagita tiklo sa 1 kg shabu

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang isang kilo ng shabu mula sa isang 23-anyos babae at isang 10-anyos dalagitang lulan ng SUV sa checkpoint sa Saguiran, Lanao del Sur nitong Biyernes ng gabi. Ayon kay Col. Joselito Pastrana, commander ng 65th Infantry Battalion, minamaneho ni Raihana Disalo ang Hyundai Tucson nang parahin ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Brgy. Pawak …

Read More »

Committe report sa SSS pension hike aaprubahan sa Nobyembre 15 (Pangako ng House panel)

AAPRUBAHAN ng House of Representatives committee on government enterprises and privatization sa susunod na buwan ang kanilang report kaugnay sa panukalang pagkakaloob ng P2,000 dagdag sa buwanang pensiyon ng Social Security System (SSS) members. Sinabi ni Committee chairman North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan, ang committee report sa 16 panukala ay aaprubahan (with or without the presence of SSS …

Read More »

67 katao nahilo sa amoy ng asupre sa Mt. Bulusan

LEGAZPI CITY- Apektado na ang mga residenteng malapit sa Mt. Bulusan sa Sorsogon dahil sa ilang araw nang pag-aalburuto ng bulkan. Kamakalawa, muling naitala ang panibagong phreatic eruption na umabot sa 5mm ang kapal ng abong ibinuga nito sa bahagi ng Brgy. Inlagadian sa bayan ng Casiguran. Ayon kay Municipal DRRM Officer Louie Mendoza, 67 katao ang nakaranas ng pagkahilo …

Read More »

P2-B pinsala ni Lawin sa infra, agriculture

UMABOT sa mahigit P2 bilyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Lawin sa northern Luzon. Ito ay batay sa inisyal na pagtaya ng mga lokal na pamahalaan. Sa ulat na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang estimate damage sa impraestruktura ay umabot sa P1,402, 245,000 at ang danyos sa agrikultura ay nasa P645,515,777.90. Kabilang …

Read More »

Financial aid sa OFWs nakahanda – Bello (Nasapol ni Lawin)

CAUAYAN CITY, Isabela – Naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P30 milyon pondo mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para bigyan ng financial assistance ang pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs) na sinalanta ng bagyong Lawin sa Isabela at Cagayan. Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III sa kanyang pagdalaw sa mga kababayang sinalanta ng bagyo …

Read More »

Hostage-taker na bangag todas sa parak (Babae, bata, sugatan)

PATAY sa mga pulis ang isang lalaking sinasabing bangag sa droga makaraan i-hostage ang isang batang babae, isang sanggol, at isang babae sa Dasmariñas, Cavite nitong Sabado ng hapon. Kinilala ang napatay na si Peter Abingcula, ini-hostage ang isang 8-anyos batang babae at isang-taon gulang na sanggol na babae, gayondin ang 21-anyos na si Marian Famarin. Ayon kay Supt. Boy …

Read More »

1 patay, 1 missing 5 survivor sa lumubog na bangka

CAUAYAN CITY, Isabela – Patuloy na hinahanap ng rescue team ang kapitan na siyang may-ari ng pampasaherong bangkang tumaob noong kasagsagan ng bagyong Lawin sa Divilacan, Isabela. Sinabi ni Sandy Celeste, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMMO) ng Divilacan, Isabela, sa pagtaob ng bangka ay tinangay ng alon sa dagat ang may-ari nito na si Benny Pillos at …

Read More »

Baes at Taki, sasabak na sa biggest acting break sa TROPS

LALARGA na sa pag-arte simula Oktubre 24 ang latest and hottest all-male group na BAES kasama ang newest female teen sensation na siTaki sa fresh na fresh at swak na swak na konsepto ng isang morning series para sa mga millennial, ang TROPS. Discovery ng Eat Bulaga! ang BAES na binubuo nina Kenneth Medrano, Kim Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor, …

Read More »

Sariling pamilya sinilaban ng ama 1 patay, 3 sugatan

LA UNION – Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang padre de pamilya bunsod ng third-degree burns habang sugatan ang kanyang misis at dalawa nilang anak makaraan sunugin ang kanilang bahay sa Brgy. Maria Cristina West, Bangar, La Union kamakalawa. Ayon sa ulat, pasado 11:00 pm habang umiinom ng kape ang mag-asawa nang sabihin ng ginang na nais niyang bumalik …

Read More »

Patay kay Lawin umakyat sa 15 — NDRRMC

UMAKYAT na sa 15 katao ang patay sa paghagupit ng supertyphoon Lawin sa Luzon. Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, 13 sa mga namatay ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) habang ang dalawa ay mula sa Isabela. Ngunit posible pa aniyang madagdagan ang bilang ng mga namatay. Sa Cagayan, sinabi ni …

Read More »

Eroplano bumagsak sa Ilocos Sur, 2 bangkay natagpuan

ILOCOS SUR – Naiahon na ang bangkay ng dalawang sakay nang bumagsak na eroplano sa baybaying barangay ng Sabangan sa Ilocos Sur. Makaraan ang search and retrieval operation ng mga diver ng Philippine Coast Guard nitong umaga ng Sabado, nakita na ang bangkay ng flight instructor na si John Kaizan Estabillo, 21-anyos, ng Parañaque City, at student pilot na si …

Read More »

UNCLOS sa WPS kapwa kinilala ng PH at China

BEIJING, China – Napagkasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang kooperasyon ng coast guards ng Filipinas at China partikular para matugunan ang mga maritime emergency situations sa West Philippine Sea. Nakapaloob sa kasunduan na layunin nitong magtulungan ang dalawang coast guard saka-ling magka-aberya sa karagatan at mapangalagaan ang mga yamang dagat o marine environment. Nakasaad din …

Read More »

3 pugante sa Cotabato District Jail, balik kulungan

KORONADAL CITY – Balik kulungan ang tatlong presong tumakas mula sa Cotabato District Jail sa Amas, Kidapawan City makaraan mahuli sa na hot pursuit operation ng mga awtoridad. Ayon kay Jail Warden Peter Bungat, ang tumakas na mga preso ay may mabibigat na mga kaso. Aniya, nakipagtulungan ang pamilya ng nasabing mga takas na preso ngunit hindi na isinapubliko ang …

Read More »

Duterte top spot sa latest survey

NASA top spot pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng government officials na may mataas na approval at trust ratings. Base sa Pulse Asia survey, 86 porsiyento ng respondents ang nagsabing pasado sa kanila ang pagganap ng trabaho ni Pangulong Duterte, 11 ang undecided habang tatlong porsiyento lamang ang nagsabing hindi sang-ayon. Nasa 86 porsiyento rin ang nagsabing …

Read More »

Rep. Biazon ‘di pumalag sa Sandigan (Sa 90-days suspension)

sandiganbayan ombudsman

HINDI pumalag si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa 90 days suspension order na ipinataw sa kanya ng Sandiganbayan 7th division. Sinabi ni Biazon, hindi na siya aangal pa sa utos ng anti-graft court dahil bahagi ito ng legal na proseso. Sa katunayan aniya, hiniling pa niya sa Sandiganbayan na simulan ang kanyang preventive suspension ng Oktubre 10 ngunit itinakda lamang …

Read More »

12 patay kay Lawin — NDRRMC

UMABOT sa 12 indibidwal ang namatay sa paghagupit ng bagyong Lawin. Ngunit lima kanila ay patuloy na bina-validate upang matiyak na namatay sila dahil sa bagyo, kabilang dito ang tatlong nawawala. Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) spokesperson Romina Marasigan, ang lahat ng mga namatay ay galing Cordillera region at karamihan ay natabunan ng lupa habang natutulog. …

Read More »

Most wanted sa Calamba utas sa shootout

PATAY ang isang lalaking itinuturing na most wanted criminal, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis kamakalawa ng gabi sa Laguna. Ang suspek na si Rosano Lirio alias Totoy ay sisilbihan sana ng arrest warrant para sa kasong murder pasado 10:00 pm nang paputukan niya ang papalapit na mga pulis sa kanyang safehouse. “Napansin niya na may mga tao na …

Read More »

$24-B investment deals ng China

BEIJING, China – Umaabot na sa mahigit $20 bilyon ang halaga ng mga kontrata o investment contracts ang nalikom ng delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State Visit sa China. Ito ang kinompirma ni Trade Secretary Ramon Lopez. Habang sinabi ni Francis Chua, presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industries (PCCI), may inihahabol pang kontrata mula sa ilang …

Read More »

Ulo ng hepe ng Insurance Commission gugulong

NANGANGANIB masibak sa puwesto si Insurance Commission chief Emmanuel Dooc dahil sa pagiging inutil sa reklamo ng Steel Corporation of the Philippines (SCP) laban sa ilang kompanya ng seguro na ayaw magbayad ng insurance claims. Sinabi ni SCP spokesman Atty. Ferdinand Topacio Jr., wala nang dahilan na manatili si Dooc sa Insurance Commission dahil mas pinapaboran niya ang insurance companies …

Read More »

De Lima nakarma — Digong

GAYA ng kasabihan na huwag mong gawin sa kapwa ang ayaw mong gawin sa iyo, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mararanasan ni Sen. Leila de Lima ang ginawa niyang pagpapakulong kay dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo. Sa press briefing sa Beijing, China, sinabi ni Pangulong Duterte na walang lusot si De Lima sa matitibay na ebidensiya at mismong mga …

Read More »