INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa kahapon ang pagkaaresto sa hinihinalang drug lord na si Kerwin Espinosa sa Abu Dhabi. Ayon kay Dela Rosa, si Espinosa ay naaresto dakong 2:00 am kahapon. “With the help of Abu Dhabi police, just this morning 2:00 am our team arrested Kerwin Espinosa,” ayon kay Dela Rosa. …
Read More »Case build-up vs Central Visayas narco-cops lilinaw na
CEBU CITY – Malilinawan na ang mga alegasyon laban sa mga pulis na sangkot sa ilegal na droga kasunod nang pagkakadakip sa bigtime drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa. Ito ang sinabi ni Police Regional Office Director 7 Chief Supt. Noli Taliño makaraan lumabas ang balita na nadakip na si Kerwin sa Abu Dhabi. Ayon kay Taliño, …
Read More »Unity rally, prayer vigil inilunsad ng Kailian marchers sa SC (FEM sa Libingan ng mga Bayani)
UNITY rally at prayer vigil ang inilunsad ng Kailian marchers bilang pagtatapos ng kanilang lakbayan, sa harap Supreme Court (SC) hanggang ilabas ang pinal na desisyon kaugnay sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos (FEM) sa Libingan ng mga Bayani (LNMB). Hindi magkamayaw ang mga tagasuporta ng dating Pangulo sa pagsigaw ng katagang “Marcos pa rin! Marcos idi, Marcos …
Read More »Drug war magpapatuloy
BRUNEI – Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng Filipino community sa Brunei, magpapatuloy ang kanyang maigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa Filipinas. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa Indoor Stadium Hassanal Bolkiah National Sports Complex sa harap ng 6,000 Filipino. Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi siya papatinag o papipigil sa tinatanggap na mga batikos …
Read More »Kamara maglalabas ng reward money vs Ronnie Dayan
PLANO ng Kamara na maglabas ng reward money upang agad maaresto ang nagtatago na dating driver ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan. Ayon ito kay House justice committee chairman, Rep. Reynaldo Umali at sinabing kanya itong idudulog kay House Speaker Pantaleon Alvarez. Ngunit hindi sinabi ni Umali kung magkano ang itatakda nilang halaga bilang reward sa pagdakip …
Read More »Lawin tinatayang magiging supertyphoon (NDRRMC todo-handa sa pagpasok ni Lawin)
PINAGHAHANDA ang lahat sa pagpasok ng bagong bagyo na tatawaging “Lawin” dahil mas malakas ito kompara sa bagyong Karen. Inaasahang magiging supertyphoon ang naturang bagyo na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) dakong hapon nitong Lunes kung hindi magbabago ang direksyon at bilis nito. Base sa weather update ng Pagasa, namataan ang sama ng panahon sa 1,265 kilometro sa …
Read More »12 katao arestado sa anti-illegal drug ops sa Lucena
NAGA CITY – Aabot sa 12 katao ang naaresto sa anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa Purok Mutya, Brgy. Cotta, Lucena City kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Corazon Tabernilla, 49; Arturo Conti, 61; Emerson Generali, 54; Randolph Romero, 53; Jesus Barros, 42; Michael Recto, 41; Erickson Tan De Guzman, 39; Roilan Millan, 38; Efren Llanera, 30 ; …
Read More »Editorial: Pinatulan pa si Joma
ISANG malaking pagkakamali ang ginawang pakikipag-usap ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Communist Party of the Philippines (CPP) na pinamumunuan ng founder nitong si Jose Maria Sison. Inakala ni Duterte na sa pagpasok sa peace talks sa CPP, makakamit ng pamahalaan ang sinasabing pangmatagalang kapayapaan. Paniwala rin ni Duterte na tuluyang ibababa ng NPA ang kanilang armas, at sa kalaunan …
Read More »13 mountaineers stranded sa Mariveles
NASA 31 mountainners ang nananatiling stranded sa bulubunduking bahagi ng Mariveles sa Bataan. Ayon kay Senior Supt. Benjamin Silo, provincial director ng Bataan Provincial Police Office (BPPO), nasa kabuuang 73 ang bilang ng mountaineers na umakyat kamakalawa sa naturang bundok ngunit nakababa ang 42 sa kanila. Aniya, umakyat ang unang batch ng mountaineers dakong 5:30 am kamakalawa habang ang ikalawang …
Read More »Wanted ex-cop arestado sa Thailand – PNP chief
BUMALIK na sa bansa si Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa mula sa Thailand nitong Sabado ng gabi, kasama ang isang dating pulis na wanted. Sa Facebook page ni PNP chief, nag-post siya ng larawan kasama ang isang indibidwal na dating pulis na wanted sa kasong kidnapping for ransom with homicide. Ayon kay Dela Rosa sa …
Read More »Smoking ban ipatutupad
IPINAALALA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, sa publiko ang kaugnay sa executive order na kanyang pipirmahan na nagbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong mga lugar. Sa media briefing bago umalis para sa state visit sa Brunei, binigyang-diin niyang hindi na pahihintulutan ang paninigarilyo maging sa itinalagang indoor smoking areas. “Yes, [the EO on smoking ban] will be [signed] and will follow …
Read More »No bargaining sa PH territory – Duterte (Sa China trip)
DAVAO CITY – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-renew sa ugnayan o pagkakaibigan ng Filipinas at China. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa Davao International Airport bago ang biyahe patungong Brunei at China. Ayon kay Duterte, gusto niyang magkaroon nang palitan ng kani-kanilang pananaw sa mga lider ng China partikular sa kung paano mas mapabubuti …
Read More »Bomba iniwan sa peryahan sa N. Cotabato
MIDSAYAP, North Cotabato – Isang malakas na uri ng improvised explosive device (IED) ang iniwan sa harap ng isang peryahan dakong 7:45 pm kamakalawa sa probinsya ng Cotabato. Ayon kay Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, nakita ng mga sibilyan ang isang plastic cellophane sa gilid ng national highway sa harap ng isang peryahan sa Purok Sampaguita, …
Read More »Lasing na obrero nalunod sa dam
LAOAG CITY – Nalunod sa dam sa Brgy. Parparoroc, Vintar, Ilocos Norte ang isang construction worker kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Jojo Agbayani, 25, may live-in partner, isang construction worker, at residente sa Brgy. 56-A, Bacsil North sa lungsod ng Laoag. Batay sa imbestigasyon ng PNP Vintar, nagtungo ang biktima kasama ang ilang kaibigan at isang kapatid sa Vintar dam …
Read More »1 patay, 4 sugatan sa banggaan ng 2 sasakyan sa Quezon
NAGA CITY- Patay ang isang lalaki habang sugatan ang apat iba pa sa salpukan ng dalawang sasakyan sa New Zigzag Road ng Sitio Upper Sapinit, Brgy. Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Ryan Briones, 29, habang sugatan sina Michael Bautista, 38; Jhoemar Misolas, 23; Marlon Bibal, 32; at Manny An Montalbo, 26. Batay sa ulat, binabaybay …
Read More »U.S. dumistansiya sa PH-China military agreement
WASHINGTON – Dumistansiya ang Amerika sa sinasabing 25 taon military agreement na niluluto ng Filipinas at China. Sinabi ni State Department Deputy Spokesperson Mark Toner, malayang magdesisyon ang Filipinas kung ano ang nais gawin. Habang tumangging magkomento ang State Department sa posibleng pagbili ng Filipinas ng mga armas mula sa China. “With regard to potential arms sales or arms agreements …
Read More »10 areas signal no. 3 kay Karen (1 pang bagyo inaasahan)
POSIBLENG mapaaga ang landfall ng bagyong Karen sa Aurora province dahil nadagdagan ang bilis nito. Ayon kay Pagasa weather forecaster Benison Estareja, mula sa dating bilis na 20 kph ay naging 22 kph na ang bagyo kaya asahan ang pagtama nito sa lupa dakong 12:00 am ngayong araw hanggang 2:00 am. Kahapon, nakataas na sa tropical cyclone signal number three …
Read More »Rehab o deds — Kris (Sa narco-celebs)
NANAWAGAN ang TV host-actress na si Kris Aquino sa kapwa celebrities na nasasangkot sa ilegal na droga na tumigil na. Ayon kay Kris, dapat maging tapat sa sarili ang mga celebrity na gumagamit ng drugs at magkusang pumasok sa rehabilitation centers. Inihalimbawa ng tinaguriang “Queen of all media” ang sistema sa Hollywood na nakarerekober ang celebrities sa drug addiction dahil …
Read More »Krista Miller buntis
INAMIN ng starlet na si Krista Miller na siya ay buntis nang ilipat ng piitan sa Valenzuela City Jail mula sa Camp Karingal sa Quezon dahil sa kinakaharap na kaso tungkol sa ilegal na droga. Nitong Biyernes, emosyonal na nagpaalam si Miller sa kapwa celebrity na nakadetine sa Camp Karingal na si Sabrina M. Ngunit bago dalhin sa Valenzuela …
Read More »Duterte muling nanindigan sa Marcos burial
LAOAG CITY – Muling pinanindigan ni Presidente Rodrigo Duterte ang desisyon hinggil sa paglilibing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Aniya, bilang abogado ay kailangang sundin niya ang batas. Ito ang naging reaksiyon ni Pangulong Duterte nang sumaglit siya sa Laoag International Airport kamakalawa makaraan siyang bumisita sa Batanes at nakipagpulong sa mga …
Read More »Media peeps stranded sa Batanes (Nag-cover kay Digong)
HALOS 20 katao na sumama sa biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang stranded kahapon sa Batanes. Karamihan sa kanila ay miyembro ng media at maging ang media relations officer na nakatalaga sa Malacañang. Ayon sa abiso, minabuting ipagpaliban na ang biyahe ng mga mamamahayag dahil sa epekto ng bagyong Karen at iba pang weather system. Sinasabing ang kanselasyon ng flight …
Read More »Ex-singer/actress pumanaw sa atake sa puso
PUMANAW na ang dating singer-actress na si Dinah Dominguez. Inatake si Dominguez sa puso habang nasa loob ng banyo ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi. Si Dinah ay ina ng dati ring singer na si Champagne Morales. Ang dating aktres ay nagsimula sa industriya noong dekada 70. Kabilang sa mga pelikula niya ang Jabidah Massacre, Boy Apache, Labas sa Batas, …
Read More »9 mountaineers nawawala sa Aurora
SIYAM na mountaineers ang hinahanap ng mga awtoridad sa lalawigan ng Aurora, ilang oras bago ang landfall ng bagyong Karen. Ayon kay Mayor Sherwin Taay, umakyat ang biktima sa Mt. Mingan na sakop ng bayan ng Dingalan, sa kabila nang pagbabawal sa kanila ng mga opisyal sa lugar. Sa ngayon, hindi pa makontak ang mga biktima kaya sinisikap ng pamahalaan …
Read More »2 kelot tiklo sa sextortion
ARESTADO sa Las Piñas City ang dalawang lalaking nangingikil ng pera at nais makatalik ang mga biktimang babae kapalit nang hindi pagpapakalat sa internet ng kanilang hubad na larawan. Ayon sa ulat ng pulisya, hindi nakapalag sina Jose Carlo Fajardo Estraza, 30, at John Paulo Suarez, 32, nang arestuhin kamakalawa ng Cavite Criminal Investigation and Detection Group sa ikinasang operasyon …
Read More »Lakbayan para sa Marcos burial (Lakad-martsa mula Ilocos hanggang Korte Suprema)
NAGSIMULA kahapon ang apat na araw na lakbayan mula Ilocos Norte patungong Maynila para ipanawagan ang pagkakaisa na mailibing na sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ang lakbayan, na pangungunahan ng may 500 tagasuporta ng dating pangulo, ay nagsimulang maglakad dakong tanghali kahapon, mula sa Paoay, at inaasahan na makararating sa harap ng Korte Suprema …
Read More »