BINAWIAN ng buhay ang chief intelligence officer ng Alaminos police sa Laguna, makaraan tambangan at pagbabarilin ng ilang lalaki sa naturang bayan, nitong Lunes. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng surveillance operation ang intelligence operatives sa pangu-nguna ni PO3 Eduardo Cruz at dalawang iba pa nang pagbabarilin sila ng mga suspek na sakay ng isang Mitsubishi Adventure sa Del Pilar St., …
Read More »‘Sabwatan’ nasilip sa Espinosa killing
NANINIWALA ang Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS), mayroong sabwatan sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa habang nakapiit sa Leyte Sub-Provincial Jail noong Nobyembre ng nakaraang taon. Sinabi ni PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, kabilang sa “findings” ng kanilang imbestigasyon sa pagkamatay ni Espinosa sa kamay ng mga pulis na nagsilbi ng search warrant sa detention cell. “Katulad ng …
Read More »Watawat ng Filipinas itinindig sa ilalim ng dagat – Sa PH (Benham) Rise
SA pagdiriwang ng ika-119 Araw ng Kalayan kahapon, matagumpay na nailagay ang watawat ng Filipinas sa ilalim ng dagat, sa Philippine Rise (dating Benham Rise), ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP). “Natuloy ito (sa Philippine Rise) and mayroon tayong ceremonial event sa barko natin,” pahayag ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla. “[May flag-raising din] sa …
Read More »70 Lanao cops ‘unaccounted’ (Sa sagupaan sa Marawi)
UMAABOT sa 70 pulis mula sa Lanao provinces ang ‘unaccounted for’ magmula nang sumiklab ang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at Islamic State (IS)-inspired terrorists sa Marawi City nitong Mayo, ayon sa top COP ng rehiyon. “Hindi pa po na-account ang lahat pero patuloy po namin silang hina-hanap. Hindi pa masabi ang bilang ngayon, pero noong huling count ay …
Read More »Militante nag-rally vs batas militar, puwersang US sa Marawi
BIGONG makalapit sa Embahada ng Estados Unidos ang iba’t ibang militanteng grupong nagprotesta sa Araw ng Kalayaan, kahapon. Naharang agad ng mga awtoridad ang mga militante sa Kalaw Avenue, tapat ng National Library, na maagang binarikadahan ng mga pulis. Dahil dito, sa naturang kalye na lamang nila itinuloy ang kanilang programa, na pinangunahan ng mga lider ng Bayan, Kilusang Mayo …
Read More »8 aktibista arestado sa Freedom Day celebration (Sa Kawit, Cavite)
ARESTADO ang walo katao bunsod nang ‘ginawang’ kaguluhan sa pagdiriwang ng ika-119 Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite, nitong Lunes. Nagpakilalang mga miyembro ng grupong Bayan at Gabriela, inaresto ng mga pulis ang mga demonstrador nang itaas ang kanilang kamao at sumigaw ng “Huwad na kalayaan!” habang nagsasalita si Senator Panfilo Lacson sa nasabing pagdiriwang. Ang mga inaresto ay isinakay …
Read More »UCAP prexy pumanaw na
PUMANAW na kahapon ang pangulo ng United Cycling Association of the Philippines (UCAP) na si Ricky dela Cruz, isa sa may-ari ng WESCOR Transformer Corporation. Matapos ang dalawang linggo sa ICU ng Medical City sa Lungsod Pasig gawa ng atake sa puso, bumigay na ang punong haligi ng pinakamalaking tropa ng siklista sa bansa kamakalawa ng hapon. Sinundan ni Ricky …
Read More »Ang Zodiac Mo (June 12, 2017)
Aries (April 18-May 13) Pagtuunan ng pansin hindi lamang ang nasa panlabas ngunit pati na ang nakatagong mga detalye. Taurus (May 13-June 21) Maaaring may nakikita ang iba ngunit hindi mo nakikita dahil natatabunan ito ng iyong katigasan ng ulo. Gemini (June 21-July 20) Magagamit mo ngayon ang iyong natural na kakayahan sa pagbabago ng iyong focus sa nagbabagong mga …
Read More »Panginip mo, Interpret ko: Bahay laging binabaha
Gd am Sir, HINDI ba masama ung bahay m0 mabahaan ng tubig 0 kaya lagi na lang nababahaan? (09464206844) To 09464206844, Ang panaginip ukol sa bahay ay nagsasaad ng iyong sarili at ng iyong kaluluwa. Ang mga specific na bahagi o kuwarto ng bahay ay nagpapakita ng specific aspect of your psyche. Sa pangkalahatan, ang attic ay nagre-represent ng iyong …
Read More »Ambush sa 3 local gov’t officials binubusisi
BUMUO ng special investigation task group Hidalgo ang Batangas police para tumutok sa kaso ng pagpatay kay Balete, Batangas Mayor Joven Hidalgo nitong Sabado, 10 Hunyo. Binaril sa ulo ang alkalde habang nanonood ng liga ng basketball pasado 10:00 am. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang alkalde na tinamaan ng bala sa ulo at balikat. Tumangging magbi-gay ng pahayag …
Read More »1-M blood bags na target ng PH kinapos — Ubial
HINIKAYAT ni Health Secretary Paulyn Ubial ang mga Filipino na mag-donate ng dugo dahil kinapos ang bansa sa target na isang mil-yong blood bags nitong nakaraang taon. Sinabi ni Ubial, ang Department of Health (DoH) ay nakakolekta lamang ng tinatayang 920,000 blood bags nitong nakaraang taon, mas mababa sa global target na isang porsiyento ng populasyon ng bansa, bilang blood …
Read More »Police patrol car inambus, 4 patay (Maute members ibinabiyahe)
PATAY ang apat miyembro ng Maute group makaraan tambangan ang police patrol car ng hindi nakilalang armadong kalalakihan sa Pantar, Lanao del Norte, nitong Sabado. Kinilala ang mga napatay na sina Zulkifli Maute, Alan Solai-man, Salah Abbas, at isang alyas Gar Hadji Solaiman, na unang inaresto kasama ng ina ng Maute terrorist leaders. Sinabi ng mga awtoridad, ibinabiyahe ng mga …
Read More »Pagkaaresto sa inang Maute malaking dagok sa terorista
MAITUTURING na malaking dagok sa teroristang grupo ang pagkaaresto sa madre de familia ng Maute na si Ominta Romato Maute alyas Farhana, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nitong Linggo. Sa press conference, sinabi ni Lorenzana, ang pagkaaresto kay Farhana ay nagpahina sa operasyon ng grupo, dahil sa kanyang malaking koneksiyon sa bansa at sa ibayong dagat. “Farhana is known …
Read More »Seguridad sa concert ni Britney Spears ikinasa ng NCRPO
INIHAYAG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong linggo, inihahanda na nila ang ibibigay na seguridad sa concert ni Britney Spears sa Pasay City sa Huwebes. “…Protocols set by the Southern Police District and event organizers du-ring concerts will be implemented,” pahayag ni NCRPO spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas. Sinabi ni Chief Supt. Tomas Apolinario, Southern Police District director, …
Read More »NCRPO full alert sa Independence Day
MANANATILING full alert ang mga awtoridad sa Metro Manila, bunsod ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong Lunes. “We will celebrate our 119th Independence Day by remaining full alert. All security preparations remain in place,” pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Kim Molitas. “Security protocols will be followed during the traditional celebration at the Luneta Park and …
Read More »MRT, LRT may libreng sakay sa Freedom Day
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Independence Day, ang mga pasahero ay maaaring sumakay nang libre sa Light Rail Transit Lines 1 and 2, at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong araw, 12 Hunyo. Sinabi ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 sa Twitter, ang mga pasahero ay maaaring mag-enjoy sa free rides sa itinakdang mga oras, mula 7:00 am hanggang 9:00 …
Read More »RWM gunman sangkot sa pagpaslang sa ex-pulis at abogado
MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng pagkakaugnay ni Jessie Javier Carlos, ang gunman sa pag-atake sa Resorts World Manila, sa dalawang lalaking pinatay sa Paco, Maynila, nitong 1 Hunyo. Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde, nakatanggap sila ng ulat na si Carlos at ang napaslang na sina Elmer Mitra, Jr., at Alvin Cruzin, …
Read More »Globe at Unionbank sanib-puwersa vs climate change
LUMAGDA ang UnionBank of the Philippines sa isang Memorandum of Agreement (MoA) sa Globe Telecom kaugnay sa Project 1 Phone (P1P) e-waste recycling program kasabay ng turnover ng 11,223.45 kilo ng iba’t ibang electronic waste mula sa kanilang main office sa Metro Manila at mga sangay sa buong bansa. Ang paglagda sa kasunduan at e-waste turnover ay pinangunahan ni UnionBank’s …
Read More »Love triangle sinisilip sa pagpatay sa Bohol lady mayor
INIIMBESTIGAHAN ang anggulong third party sa pagpaslang sa alkalde ng Buen Unido sa Bohol na si Gisela Boniel. “Since late last year, meron nang hindi pagkakaintindihan ang mag-asawa… mga problema sa pamilya, mga utang, at may third party na lumalabas. Ito ‘yung sabi no’ng board member,” ani Chief Supt. Noli Taliño, hepe ng pulisya sa Central Visayas. “Lumalabas sa investigation …
Read More »BJMP personnel under ‘hot water’ (Droga itinapon sa inidoro)
ISINAILALIM sa imbestigasyon ang ilang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa mali nilang pag-dispose sa nasabat na ilegal na droga. Ayon sa ulat, nagkaroon ng greyhound operation sa Metro Manila District Jail (MMDJ), sa pamumuno ni Jail Inspector Rene Cullalad, at nakompiska ang siyam sachet ng shabu. Imbes dalhin sa safekeeping, itinapon ang mga …
Read More »Anak ng sultan, 5 elders, 3 pinoys hinatulan ng bitay sa Sabah standoff
HINATULAN ng kamatayan ang siyam Filipino, na kinabibilangan ng isang anak ng sultan, limang matatanda at tatlo pang Pinoy, sa Malaysia bunsod nang pakikigiyera sa mga awtoridad sa nasabing bansa, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), nitong Huwebes. Ayon sa DFA, iniulat ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, pinagtibay ng Malaysia’s Court of Appeals ang desisyon ng …
Read More »Massive arrest sa ASG, Maute BIFF members, spies iniutos
NAGPALABAS ang Department of National Defense nitong Biyernes, ng arrest order laban sa mga miyembro ng apat teroristang grupo bunsod nang paghahasik ng rebelyon. Sa pitong pahinang dokumento na nilagdaan ni Defense Secretary and martial law administrator Delfin Lorenzana, inatasan niya ang mga tropa ng gobyerno na arestohin ang 186 members, spies, at couriers ng Abu Sayyaf, Maute group, Bangsamoro …
Read More »Hapilon nasa Marawi pa – AFP
ITINANGGI ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na nakapuslit palabas ng Marawi City ang top Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon. Naniniwala ang Task Force Marawi, sa pangunguna ni Major General Rolando Bautista, si Hapilon ay nagtatago pa rin sa lungsod, ayon kay AFP spokesperson Brigadier General Restituto Padilla. “Tsinek natin ito at ang announcement ni Major General …
Read More »AFP nakaalertosa pag-aresto sa amang Maute
HANDA ang puwersa ng gobyerno bunsod nang posibleng retaliatory attacks kasunod nang pag-aresto ng mga awtoridad sa ama ng magkapatid na Maute. Si Cayamora Maute ay inaresto nitong Martes kasama ang apat pang iba habang papasok sa Davao City. Ang kanyang mga anak na sina Omar at Abdullah Maute, ang nanguna sa pag-atake sa Marawi City. Si Cayamora ay inilipat …
Read More »Destab plot probe iniutos ni Aguirre sa NBI
PINAKILOS ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang mga ahente ng gobyerno na imbestigahan ang opposition politicians na maaaring planong ibagsak ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nag-isyu si Aguirre ng Department Order No. 385 noong 7 Hunyo, nag-aatas sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up “against some senators and other opposition leaders” na …
Read More »