Friday , October 22 2021
shabu drug arrest

P.4-M shabu kompiskado 3 arestado

NAGA CITY, Bicol – Inaresto ang isang 25-anyos babae at  tatlo niyang kasama sa ikinasang buy-bust operation dakong 4:00 ng hapon noong Sabado.

Ayon sa ulat ng pulisya, target ng operasyon ang 25-anyos na si Rosemarie Devela, ngunit naabutan din sa kaniyang bahay ang magkapatid na sina Jomalyn at Judelyn Tocyapao, pati ang isang menor de edad na lalaki.

Limang gramo ng shabu na P18,000 ang halaga ang ibinenta ni Devela sa undercover agent.

Bukod dito, narekober din ang pake-paketeng hinihinalang shabu sa bahay ni Devela na aabot sa 80 gramo at P380,000 ang halaga.

May narekober din na tse­keng may halagang P100,000 at P180,000 deposit slip na pare­hong nakapangalan kay Devela.

Ayon sa mga awtoridad, kasabwat ni Devela ang kani­yang mga kapatid na sina Michael at Raymond. Ang tatlo ay nauna nang sumuko sa “Tokhang.”

“Direkta silang tumatanggap ng supply from other places. Ibig sabihin, sa kanila kinukuha ng retailers dito (Naga City) nang malakihan. Hindi siya nagbibigay doon sa mga kumukuha sa kaniya nang tingi, pero bulto-bulto sila magbenta,” ani SPO2 Tobias Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dadalhin sa Bicol Police Crime Laboratory ang 80 gramo ng umano’y shabu para isailalim sa confirmatory test.

 

About hataw tabloid

Check Also

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente ITINANGHAL na Best Supporting Actress si Aiko Melendez para sa mahusay niyang …

‘Party drugs’ distributor sa Bulacan, atbp., timbog sa Marikina

NAKOMPISKA ang may 103 piraso ng ‘ ecstasy ’ na tinatayang nagkakahalaga ng P185,400 mula …

Chest X-Ray

Mga empleyado ng Kapitolyo, PDLs sa Tanglaw sumailalim sa libreng TB screening, chest x-ray

SA LAYUNING mahanap ang mga may aktibong Tuberculosis (TB), maipalaganap ang kaalaman, at mabawasan ang …

6K paniki nasabat sa 4 lalaki (Sa San Miguel, Bulacan)

Sa San Miguel, Bulacan
6K PANIKI NASABAT SA 4 LALAKI

INARESTO ng pulisya ang apat na lalaking nahulihan ng mahigit 6,000 wrinkle-lipped bats o paniki …

Leave a Reply