Tuesday , May 30 2023

Red alert nakataas pa rin — NDRRMC

READ: Bangkay inanod sa Marikina
READ: Lola, lolo nalunod sa Kyusi
READ: P120-M ayuda sa sinalanta ng baha

HUMUPA na ang baha sa ilang lugar sa Metro Manila, ngunit sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRR­MC) nitong Linggo, nasa ilalim pa rin sila ng “red alert” status at patuloy na magbabantay sa epekto ng pag-ulan dulot ng habagat.

Sa ilalim ng red alert status, lahat ng ahensiya sa ilalim ng NDRRMC, ay nakaantabay 24/7 para bantayan ang epekto ng masamang panahon.

Ginawa na rin aktibo ang “response cluster” na pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bunsod nang malakas na buhos ng ulan noong Sabado, nalubog sa baha ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Habang libo-libong resi­dente ang nanatili nitong Linggo sa mga evacuation center.

Nasa higit 26,000 indibiduwal ang naitala ng Southern Police District nitong umaga ng Linggo na lumikas sa Marikina, Mandaluyong, Pasig at San Juan.

Pinakamarami rito ay sa Marikina, na umabot sa 3,946 pamilya o 21,047 indibiduwal ang lumikas.

Nagsagawa ng paglilikas sa lungsod mula pa noong Sabado dahil sa pagtaas ng water level sa Marikina River, na umabot hanggang 20.5 ngunit bumaba nitong Linggo sa 17 metro.

Nasa 998 pamilya o 3,3962 indibiduwal ang nananatili sa walong evacuation center sa Brgy. Silangan, Quezon City.

Ayon sa barangay chairman na si Crisell Beltran, humupa na ang tubig sa kanilang lugar.

Ngunit dahil nana­natili umanong mataas ang water level sa kara­tig-ilog at inaasahang makararanas pa ng pag-ulan, hindi muna nila ipinapayo ang pag-uwi ng mga residente.

Namigay ng kanin at mga sardinas ang DSWD at ilang church volunteers sa evacuees sa Quezon City ngunit humihingi pa rin ng ayuda ang iba dahil hindi nila alam kung hanggang kailan sila mananatili sa mga evacuation center.

Naapektohan ang operasyon ng Delos Santos Medical Center sa Quezon City nang bahain ang emergency room, dahilan para ilipat ang mga medical equipment.

May 40 pamilya o 141 indibiduwal ang naitalang nananatili sa pitong evacuation center sa Maynila nitong umaga ng Linggo.

Humupa na rin ang baha sa mga kalsada sa mga lungsod ng Caloo­can, Malabon, Navotas, Valenzuela sa hilagang bahagi ng Metro Manila.

May 200 apektadong pamilya sa Valenzuela ang nananatili sa mga evacuation center gaya ng Valenzuela National High School, Paltok Elementary School, Luis Francisco Elementary School at iba pa.

Sa Malabon, nasa 70 pamilya ang nananatili sa Merville Elementary School at Dampalit Bara­ngay Hall. Napagka­loo­ban na ng ayuda ang ilan sa kanila.

Nagkansela na ng pasok sa Lunes ang ilang pamahalaang lokal dahil sa inaasahang masamang panahon.

Ayon sa state weather bureau PAGASA, baga­man nakalabas na sa Philippine area of respon­sibility ang bagyong Karding, patuloy itong hihila ng habagat na inaasahang magdudulot ng pag-ulan hanggang Miyerkoles.

Sa isang panayam noong Sabado, iniha­lin­tulad ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro ang pag-ulang dala ng haba­gat sa pag-ulang dulot ng bagyong Ondoy noong 2009.

Nalubog sa baha ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa Ondoy, na ikinamatay ng 464 katao.

Ngunit ayon sa Ma­nila Observa­tory, kalahati lang ng ulan na dala ng Ondoy ang ibinuhos ng habagat nitong weekend.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *