Tuesday , April 29 2025
SUMABAK muna sa aerial inspection sa Cagayan sina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at Special Assistant to the President (SAP) Bong Go upang mabatid ang lawak ng pinsala ng bagyong Ompong bago pinangunahan ang briefing sa Tuguegarao City kasama ang mga miyembro ng Gabinete. (RN)

29 death toll sa Ompong (13 missing )

UMABOT sa 29 ang bilang ng mga namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong, ayon sa ulat ni  Presidential Political Adviser Francis Tolentino, nitong Linggo.

Sa bilang na ito, 24 ang mula sa Cordillera Administative Region (CAR), ayon kay Tolen­tino sa press briefing sa Tuguegarao City, Caga­yan.

Habang 13 indibi­duwal ang hindi pa nata­tagpuan sa rehi­yon.

“Ang marami po tayong casualty is Cordillera. Sa Cordillera po as I speak, we are still searching for 13 missing individuals. Areas po ng Itogon, Benguet and Mountain Province and parts of Baguio… Ang confirmed po ngayon na nasawi sa area ay 24 na. Karamihan po rito because of landslides, soil saturation, rainfall…” ayon kay Tolentino.

“We’re now ending the search and rescue operations. By tomorrow the rehabilitation should commence. Dapat ma-restore na ‘yung power lines, ‘yung tubig dito. I already expressed my condolences on your behalf, Mr. President… halos 29 na po tayo ngayon. Nakikiramay po tayo sa mga nasawi,” pahayag ni Tolentino kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagtungo sa Cagayan upang personal na makita ang pinsala ng bagyong Ompong.

Nauna rito, iniulat na 25 indibiduwal ang namatay dulot ng bag­yong Ompong. Sa nasa­bing bilang ay iniulat na 20 ang namatay sa CAR, apat mula sa Nueva Vizcaya, at isa sa Ilocos Region.

Nagpahatid ng paki­ki­ramay si Duterte sa mga kaanak ng mga namatay sa bagyo.

“I share the grief of the loved ones… I don’t know how it is an act of God but that is what it is called in insurance,” ayon kay Duterte.

Nagsagawa ang pu­nong ehekutibo ng aerial inspection sa mga eryang pininsala ng bagyo.

Habang umabot sa mahigit 250,000 katao ang naapektohan ni Ompong.

Kaugnay nito, inata­san ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng evacuation centers sa mga lalawigan na madalas tamaan ng bagyo upang hindi maapektohan ang klase bunsod nang pagga­mit sa mga paaralan bilang evacuation centers tuwing may kalamidad.

Itinalaga ng Pangulo si Philippine Army Com­manding General Lt/Gen. Rolando Bautista bilang pansamantalang taga­pangasiwa ng National Food Authority (NFA) upang matiyak ang sapat na supply ng bigas sa mga lugar na tinamaan ni Ompong.

Sa darating na 15 Oktubre nakatakdang magretiro si Bautista.

Nagpahayag nang pagkadesmaya ang Pa­ngulo sa land conver­sion, partikular ang pagkopo ng multinational com­pany sa mga dating lu­pang sakahan para tani­man ng kanilang produk­to gaya ng Dole Philip­pines.

Sa susunod na buwan ay nais ng Pangulo na makipagpulong ang buong gabinete sa Kong­reso upang talakayin ang suiranin sa bigas at mi­ning.

Inaprobahan ng Pa­ngulo ang paglalaan ng P15 bilyong  contingency fund para sa mga nasa­lanta ng bagyong Om­pong at sa mga susunod pang kalamidad hang­gang sa katapusan ng 2018.

Sa pangkalahatan, kontento ang Pangulo sa naging aksiyon at pagtu­gon ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan laban sa pananalasa ng bagyong Ompong sa bansa.

(ROSE NOVENARIO)


Suplay ng tubig lilimitahan (Sa Metro Manila, Bulacan, Cavite)
Suplay ng tubig lilimitahan (Sa Metro Manila, Bulacan, Cavite)

About Rose Novenario

Check Also

Ramil Ventenilla Michael Mon Rosette Punzal Kenaz Bautista

Isinangkot sa mga kaso ng katiwalian
Mangatarem Mayor, VM, at municipal accountant  inireklamo sa Ombudsman

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso sa Tanggapan ng Ombudsman sina Mangatarem, Pangasinan Mayor Ramil Ventenilla, …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist, isinusulong ang karapatan ng manggagawa sa pagsalubong ng Labor Day 2025

Sa paglapit ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1, muling iginiit ng TRABAHO …

Malabon City

Kapag hindi nakalusot sa Comelec
Deskalipikasyon vs Sandoval posible

NANGANGANIB na madeskalipika o malagay sa bingit ng alanganin ang kandidatura ni Malabon re-electionist Jeannie …

Isko Moreno Manny Pacquiao

Anak ng Mahirap at Batang Maynila
Manny Pacquiao at Isko Moreno nagsanib-puwersa sa kampanya

BASECO, MAYNILA — Nagsanib-puwersa si senatorial candidate Manny Pacquiao, na kilala bilang “Anak ng Mahirap” …

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *