Saturday , January 4 2025

hataw tabloid

7 sugatan sa jeepney vs courier van sa CamSur

NAGA CITY – Sugatan ang pito katao kabilang ang 5-anyos batang babae makaraan ang banggaan ng isang courier service van at pampasaherong jeep sa Lupi, Camarines Sur kamakalawa. Napag-alaman, binabaybay ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Renato Paredes, 22, ang kahabaan ng Brgy. Colacling sa nasabing bayan, nang mabangga ng courier service van na minamaneho ni Jerry Macias Barrosa, 38. …

Read More »

Lalaking pinutulan ng ari pumanaw na (Sa CamSur)

NAGA CITY – Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang lalaking sinaksak at pinutulan ng ari ng kanyang kaibigan dahil sa selos sa bayan ng Baao, Camarines Sur. Ayon kay Chief Insp. Darrio Pilapil Sola, officer-in-charge ng PNP-Baao, hindi nakayanan ng biktimang si Gaspar Ermo ang ikalawang operasyon makaraan maapektohan ang kanyang atay bunsod ng saksak sa katawan. Kaugnay …

Read More »

Marijuana dealer ng SoCot arestado

GENERAL SANTOS CITY – Hindi nagawang i-deliver ng isang hinihinalang pusher ang dalang sako na may lamang anim kilo ng marijuana nang mahuli sa buy-bust operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12). Nabitag ang nagngangalang Alex Abojado, 40, laborer, residente ng San Isidro, Tampakan, South Cotabato makaraan makipagtransaksiyon sa poseur-buyer ng PDEA. Naaresto ang suspek habang bitbit …

Read More »

Ama nagbigti sa problema sa pamilya

NAGA CITY – Bunsod nang matinding problema, nagbigti ang isang padre de pamilya sa Garchitorena, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Alfie Frias, 30-anyos, ng nasabing lugar. Ayon sa ulat, ang 7-anyos anak ng biktima ang nakakita sa wala nang buhay na katawan ng ama habang nakabitin sa loob ng kanilang bahay. Ayon sa mga kaanak ni Frias, pasado …

Read More »

6.5 magnitude quake yumanig sa Davao Oriental

GENERAL SANTOS CITY – Niyanig ng magnitude 6.5 lindol ang Mati, Davao Oriental dakong 6:53 am kahapon. Base sa report mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay natukoy sa 41 kilometro southeast ng naturang lugar. May lalim ito na 42 kilometro at tectonic in origin. Kasabay nito, naitala rin ang intensity 5 sa …

Read More »

Twin eruption malabo — Phivolcs

LEGAZPI CITY – Itinanggi ng Phivolcs ang espekulasyon sa posibilidad ng twin eruption ng bulkang Bulusan at bulkang Mayon sa Albay. Ayon kay Ed Laguerta, resident volcanologist, nasa parehong restive mode ang dalawang bulkan at nasa ilalim ng alert level 1. Wala rin aniyang scientific basis na puwedeng sabay ang pagputok ng bulkan at wala rin koneksiyon ang dalawang bulkan …

Read More »

MASA-MASID vs drugs, crimes binubuo ng DILG

BINUBUO na ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang grupong tatawaging MASA MASID o Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga. Sinabi ni DILG Secr. Ismael Sueno, kabilang sa mga miyembro nito ay volunteers mula sa lahat ng barangay sa buong bansa upang makatulong sa kampanya laban sa korupsiyon, kriminalidad at ilegal na droga. …

Read More »

De lima no way out (‘Kosang’ Napoles naghihintay)

MALAKI ang tsansa na maging magkakosa sina Sen. Leila de Lima at pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles dahil santambak ang nakalap na ebidensiya ng administrasyon sa kanilang koneksiyon at  pagkakasangkot ng senadora sa illegal drugs. Sa isang chance interview sa Davao City kamakalawa ng hatinggabi, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi inimbento ng administrasyon ang mga ebidensiya at hindi …

Read More »

De Lima may bilyones sa secret bank accounts? (NBI Pinakilos vs drug trade sa Bilibid)

ITINANGGI ni Senadora Leila de Lima, inakusahang tumanggap ng kickbacks sa illegal drug trade, na mayroon siyang bilyon-bilyong piso sa secret bank accounts. Binuweltahan niya ang isa sa kanyang mga kritiko, si Justice Secretary Vitaliano Aguirre, bilang lider ng “mafia of lies and intrigues.” “I have no millions or billions in my bank accounts. And I have no dummy accounts. …

Read More »

NBI Pinakilos vs drug trade sa Bilibid

INIUTOS ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng fact-finding investigation sa kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison. Ito ay makaraan niyang matanggap ang ilang bank documents na iniuugnay sa nangyayaring transaksiyon ng ipinagbabawal na gamot sa Bilibid. Ayon kay Aguirre, magagamit ng NBI ang mga dokumento na …

Read More »

799 pasahero ligtas sa barkong bumaliktad sa Zambo

ZAMBOANGA CITY – Bumaliktad ang isang pampasaherong barko na nagmula sa Sandakan, Malaysia habang nakaangkla sa pampublikong daungan ng Zamboanga City kamakalawa. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nangyari ang insidente dakong 9:30 pm habang ibinababa ang mga karga nitong vegetable oil. Ligtas ang lahat ng 799 pasahero na sumakay sa M/V Danica Joy 2 ng Aleson Shipping Lines dahil …

Read More »

RP-US joint patrol sa SCS ipinatigil ni Duterte

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkalas sa joint patrol sa Estados Unidos sa South China Sea. Sinabi ni Pangulong Duterte, bahagi ito nang pagbuo nang malaya at bagong foreign policy na tatahakin ng Filipinas. Ayon sa pangulo, dapat tigilan na ng AFP ang pakikisama sa aniya’y kalokohang naval patrol ng US bago …

Read More »

Ceasefire sa ASG tinutulan ng AFP (Mungkahi ni Misuari)

TINUTULAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kahilingan ni Moro National Liberation Front (MNLF) founder at chairman Nur Misuari na itigil ng militar ang kanilang pinalakas na operasyon laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa probinsya ng Sulu. Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla, hindi sila pumayag sa nasabing kahilingan ni Misuari dahil ang importante ay nagpapatuloy …

Read More »

Bagyong papalapit lumalakas

LALO pang lumakas ang bagyong nasa silangang bahagi ng ating bansa. Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, mula sa pagiging tropical depression, naging tropical storm na ito at maaari pang maging typhoon sa susunod na mga araw. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,975 kilometro sa silangan ng Central Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 …

Read More »

Truck sumalpok sa poste, 2 tigok

PATAY ang isang bata at isang tindera makaraan araruhin ng isang 10-wheeler truck ang mga tindahan ng prutas, mani, at kwek-kwek at tatlong poste ng koryente sa Cavite nitong Biyernes ng umaga. Pasado 10:00 am nang sumalpok sa poste ang truck sa Paliparan, Dasmariñas, at naipit ang isang bata at tindera ng mani. Agad nila itong ikinamatay. Habang sugatan din …

Read More »

Ari ng lover ni misis, pinutol ni mister (Sa Camarines Sur)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang lalaki makaraan siyang pagsasaksakin at putulin ang kanyang ari ng mister ng kanyang lover sa Baao, Camarines Sur. Ayon sa ulat, si Gaspar Ermo ay nasa loob ng kubo kasama ng isang babae nitong Huwebes ng hapon nang atakehin siya ng suspek na si Victor Boaqueña. Napag-alaman, pinagsasaksak ni Boaqueña si Ermo at pagkaraan ay …

Read More »

Judge, bodyguard sugatan sa ambush

BUTUAN CITY – Sugatan ang isang judge at ang kanyang driver-bodyguard makaraan tambangan ng hindi nakilalang mga suspek dakong 7:00 am kahapon sa Purok 3, Brgy. Lemon sa lungsod ng Butuan. Kinilala ang mga biktimang si Judge Hector Salisi, residente ng Tamarind Road sa Brgy. Dagohoy sa lungsod at nakadestino sa Bayugan City sa lalawigan ng Agusan del Sur, at …

Read More »

4 patay sa drug raid sa Naga

NAGA CITY – Patay ang apat katao sa isinagawang ng anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Naga kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Gualberto Manlangit, Michael Imperial, Celso Rosales at isang alyas Espirida. Napag-alaman, nag-iinoman ang mga suspek nang natunugan ang pagdating ng mga awtoridad. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, unang nagpaputok ng …

Read More »

De Lima may death threats (Seguridad tiniyak ng palasyo)

DUDULOG si Sen. Leila de Lima sa korte dahil sa natatanggap na banta sa buhay. Ayon kay De Lima, maghahain siya ng “writ of amparo” para matiyak ang sariling seguridad, maging ang kanyang pamilya. Bukod dito, hihiling din siya ng “writ of habeas data” para matunton ang mga responsable sa mga pagbabanta sa kanyang buhay. Sa ngayon, lumipat siya ng …

Read More »

2 bombero sugatan sa sunog sa Libis

fire sunog bombero

DALAWANG bombero ang sugatan sa pagresponde sa sunog sa isang itinatayong gusali sa Libis, Quezon City, nitong Huwebes. Ayon sa inisyal na ulat, nasunog ang eletrical wiring sa third level basement ng Eastwood Tower 1, pasado 1:00 am. Dahil patuloy ang konstruksiyon sa gusali, wala pang sprinkler na nakakabit. Sa gitna nang pag-apula sa apoy, dalawang bombero ang nagalusan. Naapula …

Read More »

Urban Pest Control Week iprinoklama

IPRINOKLAMA ng Department of Interior and Local Government (DILG), sa ilalim ng Presidential Proclamation 990, ang huling linggo ng Setyembre bilang Urban Pest Control Week at itinalaga ang National Commission on Urban Pest Control (NCUPC) sa pangunguna sa pangangasiwa ng proyekto gayondin ang special project na tinaguriang Environment Pest Abatement Management Program (EPAMP). Kaugnay nito, nag-isyu ang DILG ng Memoramdum …

Read More »

Hatag kay De Lima ng Bilibid drug lords idinetalye ni Aguirre

INILAHAD ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang naging proseso nang paghahatid ng pera kay dating DoJ chief at ngayon ay Sen. Leila De Lima mula sa New Bilibid Prison (NBP). Sa pagdinig ng House committee on justice, sinabi ni Aguirre, mismong ang dating Bureau of Corrections (BuCor) OIC director na si Rafael Ragos ang naglahad nito sa kanya. Sa …

Read More »

Droga sa Bilibid nakopo ni Jaybee Sebastian

ISINIWALAT ng dating chief inspector na si Rodolfo Magleo, nagawang i-maximized ng drug lord na si Jaybee Sebastian ang illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) dahil sa paglipat ng kulungan ng tinaguriang Bilibid 19. Ibinunyag ni Magleo, batay sa pahayag ni Sebastian, nagbigay siya kay dating secretary at ngayon ay Sen. Leila De Lima, ng P10 …

Read More »

Bilibid before SAF ipinakita sa house probe

HINDI maipinta ang mukha ng ilan sa mga kongresistang dumalo sa pagdinig ng House committee on justice hinggil sa drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP). Ito’y nang kanilang mapanood ang video documentary na ipinakita ni Justice Sec. Vitalliano Aguirre tungkol sa situwasyon sa NBP sa nakalipas na administrasyon. Iginiit ni Aguirre, nais niyang maipakita sa mga kongresista …

Read More »