PUMASOK na sa loob ng Philippine area of responsibility ang bagong bagyong Igme. Huling natukoy ng Pagasa ang bagyo sa layong 1,380 km east ng Casiguran, Aurora. Lumakas pa si “Igme” na umaabot na sa 100 kph ang lakas ng hangin malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin sa 125 kph. Kumikilos ito sa direksiyon na northwest sa bilis …
Read More »Jaybee Sebastian, 2 drug lord mananatili sa Bilibid
MANANATILI ang high-profile convicts na sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy sa Building 14 ng New Bilibid Prison (NBP) kung saan naganap ang pag-atake sa kanila nitong Miyerkoles. Sinabi ni Rolando Asuncion, officer-in-charge ng Bureau of Corrections (BuCor), ang Building 14 ang pinakaligtas na lugar sa tatlo na kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital makaraan ang nasabing pag-atake sa …
Read More »40 arestado sa anti-crime ops sa Malate
INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang 40 katao sa anti-crime operation sa Malate, Maynila kahapon. Ayon kay Supt. Romeo Odrada, hepe ng Manila Police District Station 9, ang 40 indibidwal ay inaresto bunsod nang paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa Brgys. 704, 705 at 718. Sinabi ni Odrada, kasalukuyang isinasailalim sa proseso ang mga nadakip upang …
Read More »3-M drug addicts kaya kong ipamasaker — Duterte
INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahandaan niyang magpaka-Hitler laban sa mga kriminal sa bansa. Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdating mula sa Vietnam kahapon ng madaling araw. Sinabi ni Pangulong Duterte, minasaker ni Hitler ang tatlong milyong Hudyo at ikatutuwa niyang patayin din lahat ng mga adik sa bansa. “Hitler massacred 3 million Jews. There are 3 …
Read More »Sebastian maghain ng affidavit (Himok ng DoJ)
HINIMOK ng Department of Justice (DoJ) ang kampo ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian na maghain ng sinumpaang salaysay o affidavit makaraan tanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit niyang makausap ang punong ehekutibo para isiwalat ang nalalaman kaugnay sa sinasabing paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP). Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, …
Read More »Unilateral ceasefire sa CPP-NPA gagawing permanente
TARGET ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (NDF-CPP-NPA) na malagdaan ang final peace agreement bago matapos ang Hulyo 2017. Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, chief ng government peace panel, ang unilateral ceasefire ay gagawin nang bilateral at permanent. Ito’y para wakasan ang “hostility” sa pagitan ng mga NPA at tropa ng pamahalaan. …
Read More »Narco-politicians binubusisi ng DILG
NAGTUNGO na sa iba’t ibang probinsiya sa bansa ang probe team ng Department of Interior and Local Government (DILG) para umpisahan ang pag-iimbestiga sa sinasabing narco-politicians na kabilang sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang probe team ng DILG ay binubuo ng halos mga abogado mula sa Philippine National Police (PNP), National Police Commission (NAPOLCOM) at DILG.
Read More »‘Igme’ papasok sa PH ngayon
KINOMPIRMA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang pagpasok ng panibagong bagyo sa bansa ngayong araw, Oktubre 1, may international name na Chiba. Ayon sa weather advisory na inilabas ng Pagasa, ang nasabing bagyo na tatawaging Igme ay namataan sa 1,500 kilometro Timog ng Southern Luzon. Ito ay may lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras …
Read More »67 pulis pa ipatatapon sa Mindanao
UMAABOT sa 67 pulis sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang namimiligrong maipatapon sa Mindanao dahil sa katiwalian at pagkakasangkot sa ilegal na droga. Ayon kay PNP-NCRPO acting director, Chief Supt. Oscar Albayalde, mayroon silang panibagong 67 pulis na napatunayang sangkot sa pangingikil o extortion. Kabilang aniya rito ang grupo ni PO2 Franklin Menor, miyembro ng NCRPO Anti-illegal drug …
Read More »ASG members ‘sabog’ sa shabu
ZAMBOANGA CITY – Sentro rin sa kalakaran ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) ang ilegal na droga na kanilang ginagamit sa kanilang operasyon sa mga lalawigan ng Sulu, Basilan at iba pang mga karatig na lugar. Ayon sa Joint Task Force Sulu, ito ay base sa nakukuha nilang mga impormasyon at nabatid na isa ang droga sa mga pinagkukunan nila …
Read More »Cigarette vendor panalo ng P61.3-M sa 6/55 Grand Lotto
ISANG cigarette vendor mula sa Parañaque City ang nanalo sa Sept. 14 Grand Lotto 6/55 jackpot na nagkakahalaga ng P61.3 milyon. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Alexander Balutan, ang 52-anyos ama ng tatlo, ay numero ng kanyang cellphone ang ginamit para P40 na kanyang itinaya. Ang winning numbers ay 08-09-16-19-31-41. Sinabi ni Balutan, dalawang taon nang tumataya …
Read More »Pasimuno sa Bilibid riot tutukuyin ng CIDG
TINUTUTUKAN ng PNP-CIDG sa kanilang imbestigasyon ang pagtukoy kung sino ang nagpasimuno ng riot sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon kay PNP-CIDG Director, Chief Supt. Roel Obusan, tapos na sila sa pagkausap sa mga biktima at testigo sa naganap na kaguluhan ng high profile inmates na sina Jaybee Sebastian, Peter Co, Vicente Sy at …
Read More »Sebastian, Dayan, 2 gov’t officials pinadalhan ng subpoena (Sa House probe)
PORMAL nang nilagdaan ang subpoena para sa apat pang saksi sa imbestigasyon ng House committee on Justice hinggil sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison. Inianunsiyo ni Justice committee chairman Reynaldo Umali, kanilang ipatatawag sa Oktubre 5 sina Jaybee Sebastian, sinasabing nangolekta ng pera sa loob ng Bilibid para sa pagtakbo ni noo’y Justice Sec. …
Read More »3 inmates sa Bilibid ‘riot’ 5-araw pa sa hospital
POSIBLENG tumagal pa ng limang araw sa ospital ang high-profile inmates na sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy makaraan ang naganap na riot kamakalawa sa Building 14 ng New Bilibid Prisons (NBP) na ikinamatay ng isang inmate na si Tony Co. Ngunit ayon sa mga doktor sa Medical Center Muntinlupa (MCM), bagama’t stable na ang kalagayan ng tatlo …
Read More »CCTV sa Bilibid riot nirerebyu na ng CIDG
NIREREBYU na ng CIDG investigator ang closed-circuit television (CCTV) footage na kuha noong nangyari ang pananaksak sa loob ng national penitentiary sa maximum security building kahapon ng umaga. Ayon kay Bureau of Corrections (Bucor) OIC Director retired General Rolando Asuncion, tinitingnan na ng mga imbestigador ang CCTV. Kompiyansa si Asuncion na ang nasabing CCTV ay makapagbigay nang linaw kaugnay sa …
Read More »Storm Chaba bumagal (Papalapit sa PH)
BAHAGYANG bumagal ang bagyong may international name na Chaba habang papalapit sa Philippine area of respnsibility (PAR). Ayon sa ulat ng Pagasa, huli itong namataan sa layong 2,205 km silangan ng Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 95 kph. Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph. Bagama’t hindi ito inaasahang tatama …
Read More »7 arestado sa ‘one time big time ops sa Tondo
PITONG lalaki ang inaresto sa isinagawang “One time, big time” operation sa illegal drugs sa Tondo, Maynila kamakalawa. Sa ulat ng Raxabago-Tondo Police Station sa Manila Police District, nagsagawa ng operasyon ang kanilang Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Unit dakong 7:45 pm sa kahabaan ng Pag-asa St., Brgy. 180, Tondo. Nahuli sa nasabing operasyon ang mga suspek na sina Jonathan …
Read More »Gov’t ‘assassin state’ (Kasunod ng Bilibid riot) — De Lima
TINAWAG ni Senator Leila De Lima kahapon ang gobyerno bilang “assassin state” na ginagamit aniya ang “mafia tactics” sa pananakot sa witnessess na tumatangging tumestigo laban sa kanya, kasabay nang pagdududa na ang insidente sa Bilibid na ikinamatay ng isang Chinese drug lord, ay “riot.” “Absent any other available reliable information, I am not discounting the fact that this is …
Read More »Hamon ni De Lima: Arestohin mo ako ngayon na!
HINAMON ni Senadora Leila de Lima nitong Miyerkoles si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaresto na siya, ngayon na agad, sa gitna ng mga akusasyong kasabwat siya sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison. “Tama na. Hulihin ninyo na ako ngayon. ‘Yun naman talaga gusto ninyo. Ikulong ninyo na ako ngayon. I’m here. Do what you want to me, Mr. …
Read More »Missing P300-M sa Bilibid raid napunta kay De Lima — Aguirre
INIHAYAG ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kahapon, napunta kay Senator Leila de Lima ang nawawalang P300 milyon nakompiska sa isinagawang raid sa New Bilibid Prison noong Disyembre 2014. Nauna rito, sinabi ni Aguirre, itinanggi ng isang preso at intelligence officer, na tanging P1.6 milyon cash lamang, kundi mahigit P300 milyon ang nakompiska mula sa mga preso sa maximum security …
Read More »Sex video ni De Lima sa Kamara kinontra ni Lacson
KINONTRA ni Sen. Panfilo Lacson ang plano ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na ipalabas at gamiting ebidensiya ang sinasabing sex video ni Sen. Leila de Lima. Ayon kay Lacson, hindi nararapat na gawin ito ng isang sangay ng gobyerno para lamang magpatunay sa hiwalay na isyu, tulad ng drug trade at katiwalian. Nanawagan din ang mambabatas na gawin sana ng …
Read More »Dela Rosa planong ipatumba ng ‘kabaro’
AMINADO si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, wala siyang tiwala sa mga drug lord na tumetestigo ngayon sa Department of Justice (DoJ) kaugnay sa nagaganap na illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Sinabi ni Dela Rosa, hindi siya naniniwala na wala silang nilulutong plano laban sa kanya kapalit ang kanyang buhay. Ayon sa PNP …
Read More »Bilibid riot ikinagulat ng PNP chief
INIHAYAG ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang kanyang pagkagulat kaugnay sa naganap na riot sa Bilibid kahapon. “Yes, nagulat ako bakit sila nagpapatayan, pahayag ni Dela Rosa sa mga reporter sa sidelines ng Asian Defense, Security, and Crisis Management Exhibition and Conference sa Pasay City. “Meron tayong investigation na ginagawa. I hope they will come up with …
Read More »PNP-CIDG pasok sa imbestigasyon
NAKAHANDA ang mga opisyal ng PNP-CIDG na imbestigahan ang nangyaring riot sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kahapon ng umaga na ikinamatay ng isang drug lord habang tatlo ang sugatan. Ayon kay PNP-CIDG spokesperson, Supt. Elizabeth Jasmin, nakahanda silang tumulong kung kailangan at hilingin ang kanilang tulong. Ngunit ayon kay Jasmin, hanggang ngayon ay wala pang galaw ang kanilang …
Read More »Appointment ni Diño sa SBMA bayad-utang ni Digong
KAPIT-TUKO si outgoing Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Roberto Garcia sa kanyang puwesto na nangakong hindi ibibigay ang liderato ng freeport kay Martin Diño hangga’t hindi nagpapakita ng nilagdaang appointment letter. Kasabay nito, isang career official ng SBMA ang nagsabing ipinangako na raw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dating chairman ng Volunteers Against Crime and Violence (VACC) ang SBMA …
Read More »