Tuesday , April 16 2024
gun dead

Pamilya ng natokhang umalma vs bintang na pusher (Sa Quezon City)

NAPAGKAMALAN lang, ito ang paliwanag ng mga kaanak ng isang lalaking sinasabing may diperensiya sa pag-iisip na napatay ng mga pulis sa isang operasyon kontra ilegal na droga kamakailan.

Napatay si Leover Miranda, 39, makaraan umanong manlaban habang inaaresto ng mga pulis malapit sa kanyang bahay sa Quezon City noong 3 Agosto.

Wala sa drug watchlist si Miranda, ayon sa kanyang pamilya.

Imposible rin anilang nagtutulak siya ng droga dahil nalugmok sa depresyon mula nang iwan ng asawa, sabi ng kanyang ina na si Elvira.

Ikuwento rin ni Elvira kung paano napaslang ng mga pulis ang anak.

“Tinawag po kami ng pulis kasi may operation daw po sila. Sumisigaw iyung anak ko ng ‘Inay, inay.’ Hindi ko marinig, tapos narinig ko na lang sa labas ng bahay niya, putok na lang, putok, putok nang putok,” kuwento ng ginang habang tumatangis.

“Sabi ko na lang po, ‘Ang anak ko, baka hindi nila alam na may sira sa ulo iyon.’”

Gayonman, hindi magsasampa ng kaso ang pamilya ni Miranda sa takot na balikan sila ng pulis.

Nanawagan ang pamilya na matigil na ang patayan sa ilalim ng kampanya ng gobyerno laban sa bawal na gamot.

“Sana mahinto na ang ganyang patayan,” ani Peregrine Santos, anak ni Miranda.

Inilibing si Santos sa Manila North Cemetery nitong Linggo. Sinabayan ito ng protesta ng mga aktibistang tutol sa giyera ng pamahalaan kontra droga.

“Ang pangunahing nagiging biktima ay mahihirap at maliliit. Kaugnay niyan, hindi kami papayag na mananaliting walang katarungan ang mga biktima,” ani Banjo Cordero, spokesperson ng Stop the Killings Network.

Muling magsasagawa ng protesta ang grupo ngayong Lunes sa Brgy. 160, Caloocan, lugar na pinagpaslangan sa 17-anyos na si Kian delos Santos sa hiwalay na operasyon ng pulisya.

About hataw tabloid

Check Also

041624 Hataw Frontpage

Sa Batangas
P13.3-B SHABU NASABATDRIVER DI-LISENSIYADO
Promotion iginawad sa hepe ng pulisya

ni RODERICK PALATINO KAMPANTENG ibiniyaheng isang 47-anyos driver ng van kahit walang lisensiya sa pagmamaneho …

Bulacan Police PNP

2 durugista, 6 wanted, swak sa hoyo

Dalawang durugista at anim na wanted na mga kriminal ang sunod-sunod na inaresto ng pulisya …

PRO 4A handa at alerto para sa 2-Day Transport Strike

PRO 4A handa at alerto para sa 2-Day Transport Strike

Camp BGen Vicente P Lim – Nakahanda at asahang mapagbantay ang Police Regional Office CALABARZON, …

Sa 2 buybust operations sa Laguna P.5-M SHABU KOMPISKADO, 4 TULAK ARESTADO

Sa 2 buybust operations sa Laguna  
P.5-M SHABU KOMPISKADO, 4 TULAK ARESTADO

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang apat na drug personalities sa magkahiwalay na anti-illegal …

Philippine Food and Beverage Expo 2024

 ‘Pakinggan si Villar’
ANING MASAGANA LILIKHA NG TRABAHONG MARAMI  

INIHAYAG ni Senate Committee on Agriculture  and Food chairperson Sen. Cynthia A. Villar na mababawasan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *