Wednesday , July 6 2022

STL suportahan hikayat ng PCSO sa mayors, govs (Para sa health services and programs)

KASUNOD ng suportang inihayag ng Kongreso, muling hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, ang local government units (LGUs) na ibigay ang kanilang buong suporta sa state-sanctioned Small Town Lottery (STL) at tulungan ang gobyerno sa kampanya laban sa illegal gambling.

Sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan, ang nasabing suporta mula sa mayors at governors ay mahalaga upang hindi masayang ang pagsusumikap ng gobyerno sa paglaban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal dahil dito nagsisimula ang korupsiyon.

Nitong nakaraang linggo, inihayag ng Kongreso ang kanilang suporta sa pagsusumikap ng PCSO na mapataas ang kita para sa gobyerno sa pamamagitan ng pagpapalawak sa STL sa buong bansa hangga’t nakukuha ng gobyerno ang sapat na bahagi para sa kanila.

“Once again, I urge the mayors and governors and the local police nationwide to unite in the fight against jueteng and other forms of illegal gambling, and identify those gambling lords, their coddlers and file appropriate charges against them,” ayon kay Balutan.

Aniya, bagama’t ang STL ay nagwawagi laban sa illegal gambling, kailangan pa rin nila ang tulong upang mapataas ang kita para sa gobyerno. “Jueteng is still rampant and we must eradicate it the soonest possible,” dagdag niya.


.;
Naniniwala si Balutan na ang pagsusumikap ng gobyerno ay hindi masasayang hangga’t ang local government units (LGUs) at pulisya ay makikipagtulungan sa paglaban sa illegal gambling na patuloy na nagiging hadlang sa STL operations.

Ayon kay Balutan, sa unang semestre ng 2017, ang mga lungsod at munisipalidad, congressional districts, at provincial governments sa buong bansa ay tumatanggap nang mahigit P271 milyon mula sa operasyon ng STL.

“As STL revenue increases, your share also increases. So, can you help us promote STL against jueteng in your area? It is going to be beneficial to your constituents because you will surely receive funds for your health services and programs,” aniya.

Binigyang-diin ni Balutan, ang pagbibigay ng bahagi sa LGUs ay naglalayong masugpo ang korupsiyon. Inilarawan niya kung paano kumita ang elected officials at government employees, kaya naipagpapatuloy ng gambling lords ang kanilang ilegal na aktibidad.

Ang STL, ang tanging legal numbers game na umiiral, bilang tugon sa marching order ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na sugpuin ang illegal gambling, partikular para maipatigil ang jueteng, na nagpapatuloy sa paglaganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Let us put President Duterte’s dream into a reality in attaining the quest for corruption-free government,” aniya.

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …

Leave a Reply