Monday , July 4 2022
ISINIGAW ng mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), kasama ang mga estudyante at magulang sa kanilang kilos protesta, ang apela kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag i-veto ang Senate Bill No. 1304 at House Bill No.5633 o ang Free Higher Education Act. Inihayag ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, pinirmahan na ng Pangulo ang libreng tuition sa state universities and colleges (SUCs), nitong Huwebes. (ALEX MENDOZA)

Tuition free sa state Us, colleges nilagdaan ng pangulo

ISINIGAW ng mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), kasama ang mga estudyante at magulang sa kanilang kilos protesta, ang apela kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag i-veto ang Senate Bill No. 1304 at House Bill No.5633 o ang Free Higher Education Act. Inihayag ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, pinirmahan na ng Pangulo ang libreng tuition sa state universities and colleges (SUCs), nitong Huwebes. (ALEX MENDOZA)

PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magbibigay ng libreng tuition sa state universities at colleges (SUCs), nitong Huwebes, ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra.

Pinirmahan ni Duterte ang batas, sa kabila ng pag-aalangan ng ilang miyembro ng economic team niya sa gagastusin ng gobyerno upang pasanin ang libreng tuition.

Nauna nang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno, maaaring hindi kayanin ng gobyerno na pasanin ang libreng tuition sa SUCs, at maaaring maglabas ng P100 bilyon ang gobyerno kada taon para rito sakaling maging batas ang panukala.

Isinaalang-alang aniya ng pangulo ang pangmatagalang epekto at benepisyo na idudulot ng libreng tuition sa publiko, ayon kay Guevarra.

Dagdag ni Guevarra, maaaring ibinase ni Diokno ang kanyang kalkulasyon sa pag-aakalang ipatutupad nang sabay-sabay ang lahat ng aspekto ng batas, kasama na ang non-mandatory provisions.

Base sa datos ng Commission on Higher Education, kakailanganin ng inisyal na halagang P16 bilyon upang maipatupad ang mga kondisyon ng batas, gaya ng libreng tuition at miscellaneous fees, ani Guevarra.

Pinag-uusapan na rin sa Kongreso ang 2018 budget, na kailangan din isaalang-alang ang bagong pirmadong batas, dagdag niya.

Umaasa ang gobyerno na makatatanggap ng tulong at grants mula sa mga lokal at international donors para maipatupad ang batas.

Epektibo man ang batas, 15 araw matapos itong maimprenta sa diyaryong may pangmalawakang sirkulasyon sa bansa, mararamdaman ang mga benepisyong dulot nito sa susunod na enrollment.

Magtatatag ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education board ng pondo upang magbigay ng tulong pinansiyal para sa iba pang gastusin sa pag-aaral, gaya ng mga libro, matitirahan ng estudyante, student loans, at scholarships.

Ang mga bibigyan ng tulong-pinansiyal sa pag-aaral bukod sa libreng tuition ay iyong mga ‘bottom 20 percent’ ng mga estudyante, o iyong mga nasa pinakamababa ang estado sa buhay.

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply