MAKARAAN alisin ang lahat ng checkpoints sa Metro Manila, ang mga elemento ng National Capital Region Police Office ay paiigtingin ang kanilang patrol operations upang mapigilan ang posibleng mga krimen. Sinabi ni NCRPO director, Senior Supt. Oscar Albayalde, ang bawat checkpoint ay minamandohan ng 18 hanggang 26 personnel, at ngayon ay idineploy sa pagpapatrolya upang patindihin ang police visibility. Dagdag …
Read More »‘Di lahat ng checkpoints aalisin — Defense sec
NILINAW ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi lahat ng checkpoints sa buong bansa ay tatanggalin. Ito ay makaraan iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang itinalagang checkpoints sa buong bansa. Ayon kay Lorenzana, ime-maintain pa rin ang necessary checkpoints para mapanatili ang peace and order lalo sa mga lugar na magulo at may mga banta ng karahasan. Pahayag ng …
Read More »Pamangkin ni Drilon sabit sa grenade blast?
ILOILO CITY- Ang mismong pamangkin ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon ang pinaniniwalaang naghagis ng granada malapit sa bahay ng senador sa Brgy. East Baluarte, Molo, Iloilo City kamakalawa. Ayon sa impormasyon, si Kitt Drilon Gregorio, lider ng Rampage Gang, ang nagpasabog ng granada sa Skate Park sa nasabing lugar, isang menor de edad ang sugatan at nasira ang …
Read More »Sugatang sundalo binisita ni Digong sa Halloween
BAGAMAT Halloween, at ang Oktubre 31 ay holiday, lumipad si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu para bisitahin ang nasugatang mga sundalo. Ang nasabing mga sundalo ay nasugatan sa nakaraang pakikisagupa sa mga mga miyembro ng Abu Sayyaf Group, at nilalapatan ng lunas sa ospital sa Camp Teodulfo Bautista. Binigyan ng Pangulo ang bawat isa sa kanila ng P1,000 cash …
Read More »13th month pay ipinaalala ng DoLE
PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DoLE) kahapon ang mga employer na bayaran ang kanilang mga empleyado ng 13th month pay bago sumapit ang Bisperas ng Pasko, Disyembre 24. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang lahat ng rank-and-file employees ay dapat tumanggap ng 13th month pay, ano man ang uri ng kanilang trabaho, basta’t sila ay nagtrabaho …
Read More »2 bata patay, 14 sugatan sa van na nahulog sa kanal (Sa STAR Tollway)
DALAWANG bata ang patay habang sugatan ang 14 iba pa makaraan mahulog ang sinasakyang van sa kanal sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Malvar, Batangas, Lunes ng gabi. Galing sa isang beach resort sa Anilao, Mabini at pauwi sa Pasig ang L300 van ng mga biktima nang mag-overtake sa Kilometer 73 ng tollway. Nagpagewang-gewang ang van nang mawalan …
Read More »4 domestic flights kinansela — MIAA
APAT domestic flights ang kinansela dahil sa masamang lagay ng panahon. Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga apektado ng kanselasyon ay biyaheng Catarman, Northern Samar, Basco, Batanes at return flights ng mga ito sa Metro Manila. Una nang nag-abiso ang Pagasa nang pagbuhos ng ulan sa Visayas at Mindanao dahil sa isang low pressure …
Read More »Supertyphoon victims ginunita sa ‘Yolanda Memorial’
TACLOBAN CITY – Tinungo ng ilang mga turista ang Yolanda Memorial sa siyudad ng Tacloban na nagsisilbing alaala sa mga namatay sa pagtama nang pinakamalakas na delubyo sa buong mundo. May mga nagpakuha ng retrato sa Yolanda Memorial sa Brgy. Anibong o sa sumadsad na barko na MV Eva Jocelyn. May mga nag-alay ng mga bulaklak at panalangin sa nasabing …
Read More »Bebot sa resort kinuhaan ng video, 2 kelot arestado
NAGA CITY- Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaki kabilang ang 16-anyos binatilyo makaraan maaktohan na kinukuhaan ng video ang isang babae habang naliligo sa isang resort sa Guinayangan, Quezon kamakalawa. Ayon sa ulat, naliligo ang 26-anyos biktima nang mapansin na tila kinukuhaan siya ng video ng mga suspek na sina John Lyrie Abellera, caretaker ng resort, at kasabwat niyang …
Read More »8-buwan buntis nagbigti
CEBU CITY – Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagbibigti ng isang walong buwan buntis na ginang sa Purok 2-B, Barangay Cabawan, Tagbilaran City, Bohol. Ayon kay Raul Lopena-NUP ng Tagbilaran Police Station, walang bakas ng foulplay na nakita sa katawan ng biktima ngunit patuloy pang inaalam kung ano ang dahilan nang pagpapakamatay ng ginang. Napag-alaman, nitong Linggo ng madaling-araw …
Read More »Kabaong na eroplano, inihanda ng anak para sa ina
CAGAYAN DE ORO CITY – Bagama’t kapwa buhay pa, personal nang inihanda ng isang pamilya sa Iligan City ang kanilang mga kabaong para magamit kung sakaling sila ay pumanaw. Ito ang ibinahagi ng mag-asawang sina Luciano, 84, at Flora Tapic, 81, residente ng Brgy. Kiwalan sa nasabing lugar. Inihayag nilang mismong ang anak na lalaki nila ang gumawa ng mga …
Read More »Binatilyo patay, 2 sugatan sa grenade launcher
ZAMBOANGA CITY- Patay ang isang 14-anyos binatilyo habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang dalawa pang biktima makaraan sumabog ang isang bala ng grenade launcher sa coastal municipality ng Tabuan-Lasa sa lalawigan ng Basilan kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Aidil Sarahadil, agad binawian ng buhay sa insidente. Ayon sa ulat, nakita ng mga biktima ang dalawang bala ng grenade …
Read More »Editoryal: Si Satanas ang nakausap ni Digong
KAMAKAILAN, sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa harap ng mga mamamahayag na nakausap niya ang Diyos. Habang natutulog at humihilik ang kanyang mga kasama, may narinig daw siyang isang boses at sinabing kung hindi siya titigil sa kanyang kamumura pababagsakin ng Diyos ang kanyang sinasakyang eroplano. Kaya matapos ang panaginip na iyon, ipinangako ni Duterte sa Diyos na hindi …
Read More »ABS-CBN, 8 taon nang Best TV Station ng Star Awards
PINARANGALANG Best TV Station sa ikawalong pagkakataon ang ABS-CBN, ang nangungunang entertainment at media company sa bansa sa 2016 PMPC Star Awards for TV. Nanguna rin sa mga parangal ang Kapamilya Network sa pagkilala ng iba’t ibang programa at bituin sa kategorya ng TV at Music. Nakamit ng FPJ’s Ang Probinsyano ang Best Primetime Drama Serieshabang Best Drama Actor naman …
Read More »Miss Philippines waging 2016 Miss International
KINORONAHAN bilang 2016 Miss International si Miss Philippines Kylie Verzosa sa Tokyo Dome City Hall sa Tokyo, Japan nitong Huwebes. Habang ang mga kalahok mula sa Australia, Indonesia, Nicaragua at Estados Unidos ang first, second, third at fourth runners-up. Sa kanyang speech makaraan ang anunsiyo sa top 15 finalists, sinabi ni Verzosa, kung siya ang mananalo, nais niyang mag-focus sa …
Read More »2 bahay ng ex-lover ni De Lima ‘binaliktad’
DAGUPAN CITY — Hinalughog ng mga pulis ang dalawang bahay ni Ronnie Dayan, ang sinasabing dating driver-lover ni Senator Leila De Lima, sa Brgy. Galarin, Urbiztondo, Pangasinan upang ipatupad ang search warrant. Ngunit hindi nadatnan ng mga awtoridad si Dayan at wala rin silang nakitang ano mang armas. Tanging ang ilang kaanak at kasambahay ang nadatnan ng mga pulis. Hinalughog …
Read More »IPs, cultural groups hinikayat gumawa ng ortograpiya sa sariling wika
“HANGGANG hindi tayo nag-uumpisang mag-ambag nang walang pasubali, walang mangyayari sa wika natin.” Ito ang binigyang-diin ni Komisyoner Purificacion Delima sa kanyang lektura kahapon sa Pambansang Summit sa Wika ng Kalikasan at Kaligtasan, sa Philippine High School for the Arts sa Makiling, Los Baños, Laguna. Nagbigay ng oryentasyon tungkol sa Armonisasyon ng mga Ortograpiya ng Wikang Mother Tongue Based sa …
Read More »Editoryal: Compulsory drug test sa kapitan at kagawad
HINDI voluntary kundi compulsory ang dapat na ipatupad na drug test sa mga barangay chairman at mga kagawad para magtagumpay ang kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa ipinagbabawal na droga. Alam ng lahat na marami sa mga barangay chairman at kagawad kabilang ang mga tanod ang gumagamit ng droga, at ilan sa kanila ay pusher o ‘di …
Read More »75-anyos na lola patay sa sunog (Kambal na apo iniligtas)
PATAY ang isang 75-anyos lola habang nasugatan ang dalawang sanggol na kanyang apo makaraan tumalon mula sa ikalawang palapag nang nasusunog nilang bahay sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Sa ulat ni Senior Supt. Jesus Fernandez, Quezon City fire marshal, kinilala ang namatay na si Loreta Placer, habang sugatan ang dalawang sanggol niyang mga apo na sina Aania Arellano …
Read More »NCRPO lady cop itinumba sa Zamboanga
ZAMBOANGA CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang pagpatay sa isang babaeng pulis sa national highway ng Sitio Mialim, Brgy. Vitali, Zamboanga City. Ang biktimang si PO1 Peggy Lynne Vargas Villamin, 40, ay isa sa 15 pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na ipinadestino sa Police Regional Office-9. Residente siya ng Brgy. Marilao, Bulacan City, at nakatalaga …
Read More »PNP full alert sa Undas
NAKATAAS na sa full alert ang Philippine National Police (PNP) para sa paggunita sa araw ng mga patay at kaluluwa. Ayon kay PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, ide-deploy niya ang buong puwersa ng PNP para siguraduhin ang seguridad ng publiko habang inaalala ang kanilang namayapang mga mahal sa buhay. Paalala ni Dela Rosa sa mga pulis, bawal mag-leave …
Read More »30 celebrities nasa drug watchlist (12 gov’t officials sa drug trade ikakanta ni Kerwin)
KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, ibinigay na niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng celebrities na nasa drug watchlists. Sa ngayon, hawak na ng pangulo ang listahan ng mga celebrity na sangkot sa ilegal na droga. Ayon kay Dela Rosa, bukod sa 30 pangalan ng mga celebrity na nasa listahan na kanyang isinumite sa …
Read More »Editoryal: Maling gawi sa Undas
SA mga susunod na araw, sa Nobyembre 1, muling gugunitain ng mamamayan ang Undas o araw ng mga santo at kaluluwa. Sa bawat sementeryo, libo-libong mga Katoliko ang magtutungo para magbigay-pugay o galang sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Ang bawat isa ay mag-aalay ng mga bulaklak, magtitirik ng kandila at mananalangin sa harap ng puntod ng kanilang namayapang …
Read More »NTC dapat magpaliwanag — Sen. Grace Poe (Sa telcos selective disaster alert)
NAIS ipatawag at pagpaliwanagin ni Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe ang pinuno ng National Telecommunications Commission (NTC) kung bakit hindi lahat ng cellphone users na naapektuhan ng supertyphoon Lawin ay nakatanggap ng disaster alert. Ayon kay Poe, bagama’t may mga nakatanggap ng text blast, higit na marami ang hindi naabot ng mahalagang impormasyon, kabilang na ang …
Read More »Militante umalma sa subpoena ng PNP
INALMAHAN ng militanteng grupo ang inilabas sa kanilang subpoena ng PNP para sa imbestigasyon kaugnay sa marahas na dispersal sa mga raliyista sa harap ng US embassy noong nakaraang linggo. Ayon kay Jerome Succor Aba ng grupong Suara Bangsamoro, hindi sila ang dapat na isina-subpeona dahil sila ang mga biktima. Giit niya, dapat pabor sa kanila ang hustisya. Pahayag niya, …
Read More »