Thursday , October 6 2022

Age discrimination sa job applicants ilegal — DOLE

IPINAALALA ng Depar­tm­ent of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na hindi dapat gawing batayan ang edad sa pagtanggap ng empleyado.

Inihayag ni Nicanor Bon, pinuno ng DOLE Policy and Program De­velopment Division, maaaring patawan ng parusa alinsunod sa Republic Act 10911 o Anti-Age Discrimi­nation in Employment Act, ang mga employer na tatan­ggi sa mga aplikante dahil sa kani-l­ang edad.

“Pinapaalalahanan natin sila na mayroon batas tungkol diyan, na iyan ay ilegal, ang hindi pag-employ sa isang nag-aaplay, kung ang basehan ay edad, bawal iyon,” sabi ni Bon.

“Dapat tingnan iyong abilidad niya, skills niya, ‘yong kaniyang kaalaman o knowledge at saka qualification. ‘Di lang dapat sa edad ‘yan,” dagdag ni Bon.

Sa ilalim ng batas, maaaring maparusahan ang employer ng multang P50,000 hanggang P500,000 o pagkaka­kulong ng tatlong buwan hanggang dalawang taon, batay sa desisyon ng korte.

Handa rin umanong magpaabot ng tulong ang DOLE sa mga aplik­an­teng nakaranas ng age discrimination, gaya ng pagturo kung paano magsampa ng reklamo sa piskal.

Ngunit inilinaw ni Bon na may mga “lawful exception,” gaya ng mga trabahong hindi na maaaring kayanin ng mga matatanda tulad ng pag­hi­hinete o pagiging mi­nero.

About hataw tabloid

Check Also

gun shot

Nagdala ng ‘boga’ sa paaralan, binatilyo dinakip

INARESTO ng mga awtoridad ang isang binatilyong mag-aaral sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan …

prison rape

2 rapists sa Bulacan  deretso sa rehas

NAGTULONG-TULONG ang mga awtoridad sa pag-aresto sa dalawang akusado sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng …

shabu drug arrest

MWP, kinakasama timbog sa droga

ARESTADO ang isang lalaking pinaghahanap ng batas kasama ang kanyang live-in partner na nakialam sa …

nakaw burglar thief

Sa Candaba, Pampanga
5 KAWATAN NASAKOTE, 4 TINUTUGIS 

SA MABILIS na pagresponde ng mga awtoridad, nadakip ang limang lalaking nanloob sa isang grocery …

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

Leave a Reply