Wednesday , October 5 2022
dead gun police

Barangay election officer binoga

BATANGAS – Binawian ng buhay ang isang elect­ion officer makaraan pag­ba­barilin ng riding-in-tandem sa Bauan, Bata­ngas, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang bikti­mang si Noel Miralles na nakatalaga sa Comelec office ng Mabini, Bata­ngas.

Ayon sa ulat ng Bauan police, pasakay ng tricycle ang biktima nang pagbabarilin ng mga na­ka-motorsiklong suspek sa Brgy. 4 Pobla­cion pa­sado 6:00 ng gabi.

Agad tumakas ang mga suspek patungo sa bayan ng San Pas­cual.

Isinugod sa ospital si Miralles ngunit hindi umabot nang buhay.

Iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo sa pagpaslang sa biktima.

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

100422 Hataw Frontpage

Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA

ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo …

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

SA layuning pagkaisahin at isulong ang lahat ng mga koopertiba sa buong lalawigan, sinimulan ng …

Bulacan Recuers Luksang Parangal

Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap …

Sta maria Bulacan Police PNP

Pusher na 67-anyos na lolo, kinalawit sa ibibiyaheng ‘bato’

KAHIT malapit ng lubugan ng araw ay nagagawa pa ng isang lolo na gumawa ng …

Leave a Reply