Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo nanginig buong katawan, nahirapan pang mag-Ingles dahil sa lamig

IPALALABAS na sa February 4 sa mga sinehan ang Spring In Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao.

Nag-shoot sila ng pelikula 2024 pa, sa Puerto Galera at Prague.

Nagkuwento si Paolo tungkol sa pagsu-shoot ng pelikula sa Prague na pinakamalaking syudad at capital ng Czech Republic.

Sobrang dream come true kasi tagal ko na talagang pinangarap na makagawa ng pelikula sa ibang bansa.

“Pero siguro ang masasabi ko is sobrang lamig, ang hirap pala mag-English ng dire-diretso ng malamig, na nangiginig ‘yung lahat ng parte sa katawan mo, ang hirap mag-English, mahirap ‘yun. Ha! Ha! Ha!

“Pero it was a great experience and it was an honor working with Sara and siyempre sila direk Lester and everyone on the team, si Atty. Topacio Sa lahat ng mga cast, congrats po sa inyo and iyon, it was a wonderful experience.”

Leading lady sa pelikula ang Czech actress na si Sara Sandeva at ang direktor naman nila ay si Lester Dimaranan.

Ipinrodyus ng Borracho Films ang pelikulang Spring In Prague na ang executive producer ay si Atty. Ferdinand Topacio.

May eksena si Paolo sa pelikula na memorable at hindi niya malilimutan.

Siguro ‘yung eksena na nag-aaway kami ni Sara.

“We were shooting ano ‘yun, minus 10 degrees, so away tapos ang hirap itago eh, kasi everytime nangyayari, okay on the set, lahat kami balot na balot, naka-comforter kami, nanginginig kami, tapos ‘action’, biglang straight ang kilos, parang it’s tricky to maneuver around like learning… like having to work with the weather.

“And siyempre sa mga equipment pa natin, kailangan ingatan, so ayun, iyon ‘yung pinaka-memorable sa akin, ‘yung minus 10 degrees.”

Kumusta si Sara bilang leading lady?

Sarap katrabaho!

“Kasi isa sa pinaka na-appreciate ko sa kapag kunwari mayroong mga katrabahong artista is ‘yung pagiging collaborative nila and si Sara, every time, every scene, you know, we would sit through it, we would throw lines.

“Hindi mo na kailangan na alam mo ‘yun, ‘yung pipilitin mo pa, and you just ask her and, ‘Yeah let’s go!’

“And every time na nag-throw lines kami, talagang 100% siya, bigay na bigay siya sa mga eksena.

“That’s one of the traits about her na na-appreciate ko. 

“Aside from that, ‘yun nga, ‘yung professionalism, ‘di ba, making sure she’s prepared before siya dumating sa set, so pagdating sa set, 100% prepared na.”

Sa pelikula ay gumaganap si Paolo bilang si Alfonso na owner ng resort sa Puerto Galera. 

Sa panulat ni Eric Ramos, nasa Spring In Prague rin sina Elena Kozlova, Tori Topacio, Ynah Zimmerman, at Marco Gomez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mga pelikula ng GMA aarangkada na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus  MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Sanggang Dikit FR

Dennis nakiusap tantanan asawang si Jen sa mga intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TO the rescue ang manager nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si tita Becky Aguila sa …

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …