Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kenneth Villamayor Sam de Leon

Bunso ni Nora na si Kenneth ikinasal; Lotlot, Matet full support

RATED R
ni Rommel Gonzales

MASAYA, emotional, at fabulous ang ginanap na kasal nina Kenneth Villamayor, bunsong anak ng Superstar na si Nora Aunor, at ng misis niyang si Sam de Leon

Sabado ng gabi, February 21.

Ang aktres at ate ni Kenneth na si Lotlot de Leon ang naghatid kay Kenneth patungo kay Pastor John David Auxtero na siyang nag-officiate ng garden wedding.

Nasa Amerika para sa isang concert tour ang ama ni Kenneth, ang Drama King of the Philippines na si Christopher de Leon with wife Sandy Andolong kaya hindi sila nakadalo sa kasalan.

Parte ng entourage ang dalawa pang mga kapatid ni Kenneth na sina Matet de Leon (Sand Sponsor) at Kiko Villamayor (Groomsman), ang mister ni Matet na si Mickey Estrada (Sand Sponsor), Coin and Bible Sponsor naman ang anak nina Matet at Mickey na si Mia Estrada, at siyempre flower girl ang only daughter nina Sam at Ken na si Summer.

Dumalo sa selebrasyon ang mga pamangkin ni Kenneth tulad nina Janine Gutierrez and siblings Jessica, Maxine and Diego Gutierrez with their dad Ramon Christopher, ang mga anak nina Matet at Mickey, ang aktres na si Nadia MontenegroPinky Esturco, Cachie Roque and Lotlot’s husband Fadi El-Soury.

Kabilang naman sa mga principal sponsor ang actress na si Shy ValdezSenator Robin Padilla, Senator Bong Go (represented by Phillip Salvador), Marisa Garcia, Henry Galang, Ricky Lee and Senator Jinggoy Estrada na represented ng husband ni Arlene Muhlach na si Warren Dandoy.

Booth sponsors naman ang masarap na Max Mango at Hello There Hotline.

Samantala, Maid of Honor si Jaid Iglesias, Bridesmaids sina Sharina Fabra, Katrina Garcia, Marvi Garcia, at Ritchelle Lim, Best Man si Eric del Rosario, Groomsman si Daniel Buenaventura, sina Marl Valerio at Lawrence Lim naman ay Cord Sponsors, sina Renei Lim and Lawrence Vega ay Veil Sponsors at ang cute na dog na si Mitten Rose Lim ang Pup of Honor.

Ang venue ng ceremony at reception ay ang napakalaki, napaka-class at napakagandang bahay ng tita ni Sam na si Ruby Lim. Open daw ito, ayon mismo kay Madam Ruby, para sa mga shooting at taping ng pelikula at teleserye.

January 21 ay ikinasal na sina Kenneth at Sam sa isang church wedding na very intimate at close family members lang ang pinapunta, kaya muli silang ikinasal sa isang napakabonggang garden wedding.

At sabi nga ni Kenneth, alam niya, masayang-masaya ang mommy Guy nila sa kasalang naganap at ramdam nila na naroroon lamang ang Superstar sa kabuuan ng selebrasyon at nakangiti.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ai Ai delas Alas Gerald Sibayan

Ai Ai delas Alas single na uli 

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL nang diborsyada si Ai Ai de las Alas sa asawang si Gerald Sibayan ayon sa …

Gil Cuerva

Gil Cuerva nagsalita na: video paglabag sa kanyang privacy

RATED Rni Rommel Gonzales SIMPLE, diretso, at walang paligoy-ligoy ang official statement ni Gil Cuerva tungkol sa …

Kim Molina Jerald Napoles

KimJe balik trabaho na

RATED Rni Rommel Gonzales ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa mga video …

Derrick Monasterio Elle Villanueva Boy Abunda

Derrick tinalikuran pagiging babaero 

RATED Rni Rommel Gonzales KAPURI-PURI  si Derrick Monasterio sa pagiging matapat nito. Sa recent guesting kasi nila ng …

Geleen Eugenio Dance Forever D4E Concert

Geleen Eugenio excited sa Dance Forever D4E! Concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED si Ms. Geleen Eugenio sa muling pagsasama-sama ng mga OG dancer noong dekada …