Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

EXCITING nga ang TV network wars this 2026.

Sa aminin man ng TV5, GMA 7, at ABS-CBN and the rest o hindi, very obvious sa mga teaser na ipinalalabas nila na ‘game na game’ sila sa labanan.

Grabe ang mga naka-line up na shows ng Kapuso Network featuring their artists pero naging excited kami roon sa show na pagsasamahan ng mga PBB Collab graduates from both Kapuso at Kapamilya.

Mukhang may bago namang kaiibigang tandem between David Licauco at Jillian Ward. And yes, we agree na mas dapat i-train si Michael Sager as a host dahil taglay nito ang kisig, dunong, at awra ng isang mahusay na host.

TV5 has it’s own line up of shows na kaabang-abang din. Bongga ‘yung teaser ng The Kingdom series na magbabalik TV nga si Derek Ramsay, kasama ang mga original cast member ng movie version nito. Hindi lang kami sure kung hanggang kailan mag-stay si Piolo Pascual sa story.

Then may mga new show pa silang ipino-promote having their artists na may sangkap na ganda, kapogian, at appeal sa madla.

And of course, hindi magpapahuli ang Kapamilya na kilala sa mga bonggang shows. At dahil nagsimula na silang mapanood sa AMBS o ALL TV last January 2, asahan nga nating mas maigting ang kanilang presence sa free TV.

Of course nandiyan pa rin ang mga platform ng Viva Ent., Net25, Bilyonaryo Channel at kahit ‘yung Wilyonaryo show ni Willie Revillame na this year ay asahan din nating rarampa at hahataw sa TV viewership and patronage.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …