RATED R
ni Rommel Gonzales
BUKOD sa pagiging aktor, singer, at dating host ng Eat Bulaga! Indonesia at It’s Showtime Indonesia, isa ring restaurateur at chef si Leo Consul (at talent ng ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria) at isa sa mga negosyong naging parte siya ay ang Café Klaus.
Naging kontrobersiyal ang isa sa mga nagmay-ari ng naturang restaurant, ang aktor na si Ken Chan na hanggang ngayon ay hindi alam ng publiko ang sitwasyon at kinaroroonan.
Kaya tinanong si Leo tungkol sa updates kay Ken.
“We’re good po, we’re keeping in touch.
“We’re okay, we’re very good.
“Actually my relationship with my business partners is very good kasi we keep in touch and naayos namin ‘yung mga dapat ayusin before things…”
Hindi raw totoong nag-away o magkaaway sila ni Ken.
“No, no. kasi basta maganda naman po ‘yung naging communication, kahit nagkagulo, at may proper communication lalo na noong natapos, wala naman pong problema.”
Sa tanong kung bakit hanggang ngayon ay tila nagtatago si Ken.
“Oh I cannot answer that, I’m so sorry.”
Si Leo raw ay naka-move on na mula sa pangyayari.
Magkano ang nalugi niya mula sa hindi nagtagumpay nilang negosyo?
“Sorry I cannot answer.”
Nagkakilala sila ni Ken thru common friends.
“The brother of my business partner was my friend, then we were introduced.”
At dahil passion ni Leo ang cooking at food ay nakumbinsi siyang mag-invest.
Ang isinosyo niya sa Café Klaus ay mga kinita niya sa Indonesia.
“It’s a huge amount of money, but business is a gamble, hind natin sigurado if it’s gonna be a success or what pero andoon ‘yung mentality natin na puwedeng maging successful, puwedeng hindi.
“So before I ventured into that business, ready na ako mentally. Like kung anuman ang mangyari, at least I tried.”
Aminado si Leo na iniyakan niya ang masamang nangyari sa kanilang business venture.
“I did, I did. Kasi sleepless nights po iyon na pera ko, na hard-earned money ko po.”
Hindi na ba babalik si Ken sa Pilipinas, na balitang nasa ibang bansa?
“May arrangement na po kami so it’s, it’s gonna be… ang hirap magsabi kasi.”
Hindi rin totoong may lumabas siyang Instagram post na inaaway niya si Ken.
“No, definitely not me. Actuallly I was the one encouraging Ken na huwag ng patulan and everything kasi mas lalong lalala.
“At least hangga’t hindi pa clear, better to remain silent.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com