ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NAKAHUNTAHAN ng mga taga-entertainment media sina Ara Mina at ang businesswoman and mayoralty candidate sa Pasig City na si Sarah Discaya sa magarang building ng St. Gerrard Construction sa nasabing lungsod, na pag-aari ng huli.
Nalaman namin dito na si Ms. Sarah ang nagkombinsi kay Ara na tumakbo bilang konsehal sa District 2 ng Pasig. Nagkakilala sila sa isang medical mission ng foundation ni Sarah at dahil pareho ang advocacy na women empowerment at pagpapahalaga sa mga PWDs, kaya nagkasundo ang dalawa.
Nabanggit ng aktres na humingi siya ng signs kay Lord bago tuluyang tumakbo bilang konsehal.
Ipinaliwanag ni Ara ang pagsabak niya sa politika, “It’s a way of paying back, dito talaga ang roots ko. Dito ako lumaki, this is my home. My mom and dad are from Pasig, iyong ancestral home namin is located in Santolan. Even noong wala pa ako sa showbiz, residente na kami ng Pasig.”
Naikuwento nga ni Ara na ang mommy niya ay nakuha ang titulo noon bilang Mutya ng Pasig at naging artista rin.
First time naman sa politika ni “Ate Sarah” dahil sa construction business talaga ang kanyang linya. Pero dahil pareho sila ni Ara na gustong makatulong sa mas maraming kababayan, laban kung laban ang animo naging battle cry nila.
Esplika ni Ate Sarah, “It’s a great honor to share the same space, the same front with Ara, isang Pasigueña na matagal nang advocate ang karapatan ng mga kababaihan, well-being ng mga kabataan, at proteksiyon ng disadvantaged sectors.
“Mahalaga po sa akin ang mga isyung ito. Kaya po noong magdesisyon akong pasukin ang labang ito, importante sa akin that I fight it side by side with Ara. Para sa aming dalawa at sa mga kasama namin sa Team Kaya This, priority namin ang pamilyang Pasigueño. Una, para sa mga kababaihan, dapat may economic power ang mga babae. We will fund businesses na gustong simulan ng mga nanay – single, abandoned pati na ‘yung nasa regular na family set-up, pero kailangan talaga ng tulong. Bukod pa po iyan sa regular na ayuda. Bibigyan natin sila ng training sa pagnenegosyo at bagong skills na puwedeng pagkakitaan. We will do skills-matching, pero within Pasig muna para ‘wag masyado malayo sa pamilya.
“Pangalawa, health care para sa lahat. In two years, we will be able to build a hospital to service Pasigueños for free. Kaya pong itayo iyan at kaya pong pondohan iyan. May pera ba ang Pasig for this? Mayroon po. Bukod dito, magkakaroon po tayo ng geriatric hospitals at homes para sa seniors. Palalakasin natin ang maternity at pediatric care sa Pasig. ‘Yung ospital na itatayo natin, may neo-natal ICU para hindi na tayo napupuwersang pumasok sa private hospitals at ma-hostage dahil walang pambayad. Pangatlo, para sa PWD sector, bibigyan natin sila ng training and job opportunities. Popondohan natin ang mga negosyong gusto nilang pasukin. Pang-apat, mahalaga sa amin ni Ara ang pangangalaga sa mga batang may special needs. Magkakaroon tayo ng special centers for them. Magtatayo rin ng tayo ng special center for mental health care.
“Lastly, at dito kami parehong excited ni Ara: ito pong Smart City na plano ng Team Kaya This. Ang purpose po nito ay para masigurong konektado ang mga Pasigueño sa mga serbisyo ng LGU. May access ka sa health care – including emergencies, may access sa crime protection at rescue, ‘pag may krimen at gulo kita agad sa CCTV at may quick response. ‘Pag may sunog, may aerial firefighting capability na tutulong sa mga bombero. ‘Pag may disaster, mas mabilis ang rescue. ‘Pag may traffic, kita agad at maa-untangle ang mga buhol. But first, kailangan lahat ng Pasigueño, connected and we have already laid out a plan para siguradong may access ang bawat Pamilyang Pasigueño. Kaya pong ibigay sa kanila ito ng Pasig. Kaya nga Kaya This ang aming battle cry,” mahabang paliwanag ni Ate Sarah.
Sa parte naman ni Ara, kung pagtulong sa kapwa ang pag-uusapan, maraming makapagpapatunay kung paano siya tumulong sa mga taga-showbiz. Bihira rin ang nakaaalam na pinatira ni Ara nang libre sa isa niyang condo unit ang dating aktres na si Deborah Sun, kasama ang pamilya nito. Binibigyan pa niya ito ng mga pang-araw-araw na pangangailangan.
Pero ayon kay Ara, hindi sapat ang kanyang pinansiyal na kakayahan para matulungan ang pangangailangan pa ng iba. In fact, sumusulat pa raw siya sa mga kilala niyang nasa gobyerno para makapag-abot ng tulong. Kaya naisip ng aktres na kung siya na mismo ang nasa pamahalaan ay mas magiging madali para sa kanya ang pagtulong.
Nalaman din namin kay katotong Mell Navarro na ang political party ni Ara is Lakas, while Ms. Sarah is UBG (Ugnayan ng mga Gabay ng Bayan).
Aware rin daw ang kandidatong mayor ng Pasig na matindi ang kalaban niya rito. “Alam ko po na pader ang babanggain natin pero kung mas maganda po ang hangarin para sa taong bayan, may gabay po tayo riyan,” wika pa ni Ate Sarah.
Nakita nga namin na dahil isa sa mga pangarap niya ay mabigyan ng magandang health services ang mga taga-Pasig, ngayon ay nagpapatayo na si Ms. Sarah ng isang first class hospital na magiging libre para sa mahihirap na mamamayan nito.