Thursday , December 12 2024
NBI Depleted Uranium

100 kilo ng mapanganib na mineral/bakal kompiskado
ILEGAL NA KALAKALAN NG ‘DEPLETED URANIUM’ NALANSAG NG NBI
Mag-asawa, ahente arestado

nina NIÑO ACLAN at EJ DREW

ISANG malaking grupo na nagbebenta ng mapanganib na mineral at metal ang matagumpay na nasupil ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pamamagitan ng nationwide law enforcement operations bilang tugon sa reklamo ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI).

         Sa pamumuno ni NBI Director, (ret) Judge Jaime B. Santiago, inilunsad ang nationwide operations ng NBI laban sa ilegal na kalakalan ng ‘Depleted Uranium’ (DU), na ikinaaresto ng mag-asawa at isang ahente, at pagkakakompiska ng halos 100 kilo ng mapanganib na mineral at metal.  

Ang ‘Depleted Uranium’ ay sinabing byproduct ng proseso kapag natanggal na ang Uranium 235 (nakalalasong antas ng mineral) sa likas na uranium ore.

Ayon sa pag-aaral, ginagamit sa military ang DU sa armor-piercing bullets, tank armor, at mortar rounds dahil sa kakayahan nitong mahanap ang target; ginagamit din ito sa Radiation bilang kalasag laban sa gamma radiation; at nakatutulong sa pagbalanse ng timbang ng aircraft.

Ang ilegal na pagkakaroon o pangangalakal nito ay paglabag sa Republic Act No. 5207, na sinusugan o mas kilala bilang Atomic Energy Regulatory and Liability Act of 1968.

Nag-ugat ang kaso nang makipagpulong ang mga kinatawan ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) kay Director Santiago, at humingi ng tulong sa pag-iimbestiga sa nabanggit na ilegal na kalakalan ng Depleted Uranium (DU).  

Ayon sa PNRI, ang DU ay nagdudulot ng seryosong banta sa pambansang seguridad dahil maaaring gamitin sa pagbuo ng sandatang nuklear.

Isa sa mga inihahalimbawa ang mga ‘teroristang organisasyon’ na sinabing gumagamit ng DU upang pahusayin ang kanilang mga armas.

Bukod rito, dahil sa radioactivity at toxicity nito, maaari nitong ilantad ang publiko sa mga banta laban sa kalusugan.

Sa utos ni Santiago, isang grupo ng mga operatiba ang agad na ipinadala upang mag-imbestiga, bawiin ang mga mapanganib na mineral/metal, at arestohin ang mga suspek. 

Sa imbestigasyon, nabatid na ang ng isang Roy Cabesas Vistal ay nag-aalok para sa ay nag-alok para sa pagbebenta ng nasabing radioactive mineral sa publiko sa pamamagitan ng panghihikayat na na ito ay ‘mahalagang metal’.

Noong 18 Oktubre 2024, naaresto ang isang Mae Vergel Zagala, a.k.a. Madame Mae, tinukoy na na partner ni Vistal; at ang isang Arnel Gimpaya Santiago, ahente ni Vistal, sa entrapment operation na pinangunahan ng mga operatiba ng NBI-OD, HD, NCR, at STF, sa Pasay City.

Nabawi rin ang 20 kilo ng mga metal bar at tatlong kilo ng itim na pulbos, lahat ay positibo para sa Uranium-235 at Uranium-238. Gayonman, nanatiling

at-large sa Vistal.

         Natuklasan ng PNRI na ang tirahan ng mga VVistal sa Pasay City ay labis na kontaminado ng hindi matukoy na dami ng DU powder.

Bilang bahagi ng mga protocol sa kaligtasan ng PNRI, ang lugar ay kasalukuyang sumasailalim sa dekontaminasyon bago ibalik sa mga may-ari.

Sa tuloy-tuloy na operasyon ng mga operatiba ng NBI-OD, HD, NCR, at STF, tuluyang naaresto si Vistal noong 28 Oktubre 2024 sa Cagayan de Oro City.  

Kayabay nito, nagpatupad ng search warrant ang mga operatiba ng NBI-OD, HD, NCR, NEMRO, at ang PNRI Technical Team, sa tulong ng CBRNC, PA, 4ID at PAF, AFP, sa tirahan ng mga Vistal sa Cagayan de Oro City.  

Nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam ng ilang radioactive materials at mga kontaminadong kagamitan, kabilang ang isang itim na palayok, na tumitimbang ng tatlo hanggang limang kilo na nagpositibo sa Uranium 238 at Uranium 235.

Natuklasan ng mga awtoridad ang matinding kontaminasyon ng Uranium-238 at Uranium-235 sa iba’t ibang lugar ng nasabing tirahan ng mga suspek, kabilang ang sasakyan ng pamilya.

Sa parehong petsa, ang NBI at ang PNRI Technical Team, ay nagpatupad ng search warrant laban kay Vistal, et. al., sa kanyang tirahan sa Pasay City.

Ang paghahanap ay humantong sa pagsamsam ng halos tatlong kilo ng itim na pulbos, uranium ore, maliliit na metal, at iba pang kontaminadong mga bagay na pawang positibo sa Uranium 235 at Uranium 238.

Sa imbestigasyon, nabunyag na ang grupo ni Vistal ay nagsimulang magmina ng Depleted Uranium sa Cebu.  

Noong 8 & 9 Nobyembre 2024, ang mga operatiba mula sa NBI-OD, HD, STF, CEVRO, at CEBDO, PNRI, at ang tropa ng AFP Cebu Joint Task Force, ay nagsagawa ng isa pang search and seizure operation sa Mandaue City na naging daan sa pagbawi ng 60 kilo ng bloke-blokeng metal, na nagpositibo sa Uranium 238 at Uranium 235.

Ang mga naarestong suspek ay iniharap para sa Inquest Proceedings sa Department of Justice (DOJ), sa Padre Faura St., Ermita, Maynila.

Kasunod nito, isang kasong kriminal para sa paglabag sa Seksiyon 6, na may kaugnayan sa Seksiyon 16, ng Batas Republika Blg. 5207, ang inihain sa mga Korte sa Lungsod ng Pasay at CDO.

Pinuri ni Direktor Santiago ang buong team para sa kanilang dedikasyon at katapangan na agawin ang mga radioactive materials, sa kabila ng mga likas na panganib nito.  

Aniya, hindi magiging posible ang matagumpay na operasyon kung wala ang pagtutulungan at walang humpay na pagsisikap ng mga kalalakihan at kababaihan ng NBI, PNRI, intelligence community, AFP, local government units, at pribadong institusyon. (EJ DREW)

About EJ Drew

Check Also

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …