Friday , November 15 2024
Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) 2024 mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang parangal na ito ay isang makasaysayang pagkilala sa lungsod, sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, na ipinagpapatuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo para sa Las Piñas.

Ang SGLG ay ibinibigay sa mga lokal na pamahalaang pumapasa sa mahigpit na pamantayan ng DILG sa iba’t ibang aspekto ng serbisyong pampubliko at pamamahala.

Nakatuon ito sa sampung pangunahing kategorya: Financial Administration and Sustainability, na sumusuri sa maayos na paggamit ng pondo ng lungsod; Disaster Preparedness, na tinitiyak ang kahandaan sa mga kalamidad; Social Protection and Sensitivity, na nagbibigay-diin sa pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap at mahihinang sektor; Health Compliance and Responsiveness, na nagtataguyod ng epektibong serbisyong pangkalusugan; Sustainable Education, na naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon; Business-Friendliness and Competitiveness, na pinapadali ang pagnenegosyo; Safety, Peace, and Order, na nagsusulong ng kaligtasan at kaayusan; Environmental Management, na nagbibigay halaga sa pangangalaga sa kalikasan; Tourism, Heritage Development, Culture, and Arts, na nagsusulong ng turismo at pagpapahalaga sa kultura; at Youth Development, na hinihikayat ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa pamamahala.

Ang pagkilalang ito ay itinuturing na mahalagang pamana ni Mayor Imelda Aguilar, sa ilalim ng kanyang pamumuno ay naabot ng lungsod ang pinakamataas na antas ng mahusay na pamamahala.

Ipinapakita ng parangal ang sama-samang pagsisikap ng mga opisyal at residente ng Las Piñas na panatilihin ang lungsod bilang isang maunlad, maayos, at progresibong komunidad. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …