Saturday , November 16 2024

Pagsugpo sa Covid-19 prayoridad ni Mayor Isko hindi politika (Sa darating na national elections)

PAGSUGPO sa nakamamatay na sakit na coronavirus (CoVid 19) ang tanging prayoridad ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at hindi muna ang politika para sa kapakanan ng mga mamamayan sa lungsod ng Maynila

 

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno sa virtual na Kapihan sa Manila Bay nang tangungin tungkol sa ulat na may nakikipag-usap sa kanya upang tumakbo sa 2022 vice presidential race.

 

“Wala.  I have to be honest. Wala naman. In fairness to those people aspiring to be the president of the country. Wala naman nag-a-abiso sa akin,” Pahayag ni Moreno.

 

Ani Moreno, matagal pa ang halalan at ayaw niya itong pagtuunan ng pansin sa ngayon dahil mas mahalaga aniya sa ngayon ang masolusyonan ang problema sa CoVid-19 na higit sa 9,000 Manileños ang nabiktima.

 

“There is no point to survey about politics today. One, two years pa ang election. Two, there is pandemic, kaya more than anything else, more than the sand, whatever they are doing there, there (are) people dying here (Manila),”  pahayag ng alkalde.

 

Base sa datos, nakapagtala ng 9,258 kaso ng CoVid-19 sa Maynila at kasalukuyang may 880 aktibong kaso, 351 indibidwal ang binawian ng buhay, at 7,227 ang gumaling sa karamdaman. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *