Sunday , May 19 2024

Isko sa IATF:
ASUNTO VS DENR EXECS SA DOLOMITE BEACH ‘SUPERSPREADER’ EVENT

102721 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NANAWAGAN si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno” Domogoso sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglabag sa health protocols sa pagbubukas sa publiko ng Manila Bay dolomite beachfront.

“Ang ironic kasi riyan, sila ‘yung nagpapatupad, sila rin ‘yung lumalabag. Now I’m challenging agencies of government under IATF to file charges in violation sa mga kapwa nila,” ani Moreno sa panayam sa Headstart sa ANC.

Inulan ng batikos ang DENR sa nakalipas na mga araw nang payagang dumagsa ang libo-libong katao sa dolomite beachfront na pinangangambahang magdulot ng muling pagtaas ng kaso ng CoVid-19.

Ayon kay Isko, hindi inabisohan ng DENR ang Manila city government nang buksan ng kagawaran ang dolomite beachfront sa publiko.

“If we cannot implement it within our offices, then there’s no point in implementing it sa mga taongbayan. Pinahihirapan natin ang taongbayan, pero ang unang naglalabag ay tayo rin sa national government. It doesn’t make sense,” sabi ni Isko.

Ipinauubaya ng Malacañang sa Department of Interior and Local Government (DILG), Manila City government at Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng DENR.

“Hinahayaan na po namin ‘yan sa DILG ‘no at sa ating pulisya ‘no kasama na po ang lokal na pamahalaan ng Maynila,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Sinabi ni DENR Undersecretary Jonas Leones, makikipag-ugnayan ang kagawaran kay Isko kaugnay sa isyu.

Simula kahapon ay nilimitahan ng DENR ang bilang ng mga pumapasok sa dolomite beach at ipinagbawal ang may edad 12-anyos pababa.

About Rose Novenario

Check Also

DOST 1 Champions Full-Scale Disaster Readiness Training Across all Provinces in Region 1

DOST 1 Champions Full-Scale Disaster Readiness Training Across all Provinces in Region 1

Under the leadership of Dr. Teresita A. Tabaog, Department of Science and Technology Region 1 …

FTSFI 8th Kasalan sa SM 1

SM Group unites 16 couples in mass wedding

On May 15, 2024, 16 couples exchanged vows at the 8th Kasalan sa SM, an …

Most wanted sa Laguna arestado sa manhunt ops

Most wanted sa Laguna arestado sa manhunt ops

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang most wanted person ng CALABARZON sa manhunt operation …

Daniel Fernando Guiguinto, Bulacan Fire Sunog

Nasunugan sa Guiguinto
GOV. FERNANDO, NAGHATID NG TULONG SA 51 PAMILYANG BIKTIMA NG SUNOG

INIHATID ni Gobernador Daniel R. Fernando ang pinansiyal na tulong at emergency relief items sa …

Telco fraudster, timbog sa NAIA

ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) agents sa Ninoy Aquino International Airport …