Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 lalaki sa Pagsanjan timbog sa buy bust

ARESTADO ang dalawang lalaki sa ikinasang buy bust operation ng Pagsanjan Drug Enforcement Unit nitong Lunes ng hapon, 10 Agosto, sa Barangay Poblacion Uno, sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna.

Ayon kay P/Capt. Ruffy Taduyo, OIC ng Pagsanjan MPS, dakong 2:30 pm kahapon nang magsagawa ng operasyon kontra ilegal na droga ang DEU ng Pagsanjan Police sa Barangay Poblacion Uno, sa naturang bayan.

Nadakip ang mga tulak na kinilalang sina Ronly John Matignas, alyas Ron-Ron, 38 anyos; at Jason Villaruel, alyas Ton, 48 anyos, kapwa residente sa naturang barangay.

Nasamsam mula sa mga suspek ang anim na pirasong small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, apat dito ang nakalagay sa isang itim na kahon, isang pirasong P1,000 bill na ginamit na marked money, dalawang pirasong P100 at isang P50 bills.

Kasalukuyang nakapiit ang dalawang suspek sa Pagsanjan Custodial Facility habang inihahanda ang isasampa sa kanilang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 sa Provincial Prosecutor Office sa sa bayan ng Sta. Cruz. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …