TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa sambayanan na ipaglalaban niya ang pagpapatupad ng Universal Healthcare Law sa kabila ng concerns sa batas na awtomatikong nag-i-enrol sa lahat sa PhilHealth National Health Insurance Program.
Sinabi ni Go, ipaglalaban niya ang naturang batas dahil mahalaga ang kalusugan ng lahat lalo ngayong nahaharap ang bansa sa pandemyang COVID-19.
Tiniyak ng Senate committee on health chairman sa mahigit 6-milyon senior citizens na mayroon nang pina-follow up na budget na P4 bilyon para mai-release na magko-cover sa kanilang PhilHealth.
Ito ang gagamitin para sa isang taong PhilHealth insurance premium ng 800,000 senior citizens na magiging malaking ginhawa sa kanila.
Binigyang diin ni Go, bilang vulnerable sector, sa panahon ng pandemya ay kailangan tutukan ng gobyerno ang kalusugan ng nasabing sektor na dating nagsilbi para sa ikauunlad ng bansa.
Matatandaan, nakapaloob sa Republic Act No. 10645, lahat ng senior citizens ay covered ng National Health Insurance Program ng PhilHealth.
(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)