Saturday , November 16 2024
drugs pot session arrest

8 adik nag-pot session sa footbridge timbog (Sa Mandaluyong)

KALABOSO ang walong katao nang mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa isang footbridge sa Shaw Boulevard, Barangay Highway Hills, sa lungsod ng Manda­luyong noong Huwebes ng gabi, 25 Hunyo.

Kinilala ang mga suspek na sina Allan Garcia, 39 anyos; Rowell Santos, 33 anyos; John Carlo Ocampo, 34; Ryan Mendoza, 30 anyos; Lester Caalim, 28; Andrew Aday; Jose Panganiban, 21 anyos; at Micky Ramos, 19 anyos, pawang nasa watchlist ng pulisya.

Ayon sa ulat ng Mandaluyong PNP, dakong 10:00 pm noong Huwebes nang maak­tohan ng mga operatiba ang mga suspek na abala sa palitan sa nabanggit na lugar.

Narekober mula sa mga suspek ang apat na transparent plastic sachet ng droga, P5,440 cash, at shabu paraphernalia gaya ng tooter na may residue na mukhang kagagamit pa lang sa pot session.

Nauna rito, nakatang­gap ang mga awtoridad ng isang tawag mula isang concerned citizen kaugnay sa lan­tarang pot session ng walong suspek.

Nakapiit na ang walo sa detention cell ng Mandaluyong PNP at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(EDWIN MORENO)

 

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *