Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Sa Marikina City… P3-M droga nasamsam, HVT timbog sa drug ops

ARESTADO ang 33-anyos lalaking pinaniniwalaang high value target (HVT) sa anti-drug operation sa lungsod ng Marikina, nitong Martes ng gabi, 23 Hunyo.

 

Kinilala ng Marikina PNP ang suspek na si Abbas Darimbang Dimasowa, 33 anyos, residente sa Barangay Calumpang sa lungsod.

 

Dinakip ang suspek nang bentahan niya ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa SM Marikina Service Road, Marcos Hi-way, Barangay Calumpang, dakong 6:00 pm, kamakalawa.

 

Nakompiska mula kay Dimasowa ang 450 gramo ng droga, buy bust money, at siyam na pirasong tig-P1,000 cash boodle money, at shabu paraphernalia.

 

Ayon sa pulisya, aabot sa P3 milyon ang halaga ng shabu na nakompiska mula sa suspek.

 

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (EDWIN MORENO)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …