Thursday , October 31 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Magalang o Mapang-abuso?

Kung alam mong mayroon kang alam, ‘yan ang indayog ng katalinohan; kung hindi mo alam na wala kang alam, ‘yan ang indayog ng katangahan.

— Pinoy rock singer Mike Hanapol

 

SIMULA noong 1 Hunyo 2020, nagbalik-trabaho ang karamihan sa atin matapos isailalim ang National Capital Region (NCR) modified general community quarantine o MGCQ.

Nagbalik din ang biyahe ng LRT at MRT kaya marami-rami na rin ang makapapasok muli sa kani-kanilang trabaho para makabawi sa mahigit dalawang buwang ‘pagkakakulong’ sa kanilang mga tahanan na naging sanhi ng kawalan ng kita para sa milyon nating mga kababayan.

Sa pagsakay sa LRT 1, kapansin-pansin ang nakatalagang mga unipormadong pulis na siyang umaalalay at nagbabantay sa mga estasyon para gabayan ang mga pasahero sa pagsakay upang mapasunod sa ipinaiiral na social distancing.

Mabuti naman at magagalang ang ating mga pulis at gayondin ang mga kawani ng LRT, na kahit nasa gitna ng krisis ay nakangiti sa pagsalubong sa aming mga pasahero. Maituturing silang mga frontliner na naglilingkod para sa sambayanan upang matiyak na ang lahat ay ligtas at nasa ayos.

Subalit hindi lahat ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ay masasabing matino at gumagalang sa mamamayan. Mayroon pang hindi sumusunod sa kanilang tungkulin na ipatupad ang batas at sa halip ay sila mismo ang lumalabag dito.

Tulad nitong si Captain Heherson Zambale, na nakatalaga sa Sta. Cruz Police Station ng Manila Police District at inireklamo ng rape ng isang criminology student na nag-apply ng internship sa nasabing opisyal.

Agad tinanggal sa puwesto si Zambale ni MPD chief Brigadier General Rolando Miranda at ngayo’y iniimbestigahan na ang kaso para mapatawan ng nararapat na parusa ang akusado kapag napatu­nayan ngang nagkasala.

Sa ganitong uri ng mga pulis — na opisyal pa man din — masasabing sinasayang nila at sinisira ang magandang gawain ng kanilang mga kasamahan. Maitutulad na rin si Zambale sa isang magiting na heneral na kahit alam na may ipinaiiral na guidelines ukol sa quarantine ay nagdiwang pa ng kanyang kaarawan para labagin ang regulasyong nagbabawal sa pagtitipon-tipon ng mga indibiduwal para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus o COVID-19.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email [email protected] o kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: Laglag na sa administrasyon, tablado pa kay Digong

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa paulit-ulit na ‘drama at palundag’ hindi malayong tuluyang matalo si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *