MATATANDAANG hindi nakadalo si Pangulong Duterte sa Gala dinner ng APEC. Sumunod naman ay hindi nakadalo ang Pangulo sa “family photo” ng world leaders ng APEC Summit. Si Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay ang naging representative ni PRESDU30 sa photo shoot.
Dahil dito, hindi napigilan ni dating Pangulong Ramos na mag-react kaugnay dito, sinabi niyang dapat ay naka-attend ang Pangulo sa traditional family photo, at walang excuse para hindi maka-attend dito. Sinabi din ni FVR na sinusuportahan niya si PRESDU30 dahil siya ang team leader ng bansa, pero mas sinusuportahan niya ang team ng bansang Filipinas.
DE LIMA NAKATANGGAP
NA NG SUBPOENA
Natanggap na ni Sen. Leila De Lima ang subpoena galing sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa imbestigasyon ng drug trade sa Bilibid.
Hindi pa puwedeng mag-counter affidavit si De Lima sa ngayon, pero inihahanda na ng legal team ng Senadora lahat ng kopya ng complaints at kanilang mga sariling ebidensiya.
Ang mga complaint ay nanggaling kay high profile inmate Jaybee Sebastian, NBI, Volunteers Against Crime & Corruption at former NBI Dir. Ruel Lasala at Reynaldo Esmeralda.
RONNIE DAYAN LUMUTANG NA
Si Interior Secretary Mike Sueno ay nagbigay ng hint tungkol kay Ronnie Dayan, ang dating driver/bodyguard ni Sen. Leila De Lima na nasasangkot din sa isyu ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison.
Sinabi ni Sueno na maaaring lumabas na si Ronnie Dayan soon (lumabas na nga).
PACQUIAO: CIDG REGION 8
CHIEF NAKAKUHA NG P1.5M
Ayon kay Sen. Manny Pacquiao, nakakuha ng P1.5M ang head ng Criminal Investigation & Detection Gruop sa Eastern Visayas (CIDG-8) na si Superintendent Marvin Marcos mula kay Kerwin Espinosa. Ang napaslang na si Albuera Mayor Rolando Espinosa ang nag-abot mismo sa kaniya ng pera.
Ito raw malamang ang dahilan kung bakit pinatay ang Mayor. Kaya dahil dito, sinabi ni Kerwin Espinosa na, “Pinatay nila ang tatay ko, ibubulgar ko lahat ng nabigyan ko ng pera!”
‘Yan ay ayon kay Pacquiao na sinabi sa kanya ni Kerwin.
MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego