Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte at Putin nag-meeting

NAGKAROON ng pagkakataon si PRESDU30 na maka-meeting si Russian President Vladmin Putin habang nasa APEC Summit ngayon sa Lima, Peru.

Sa pagpupulong ng dalawa, nag-congartulate si Putin kay PRESDU30 sa pagkapanalo last May elections. Sinabi rin ni PRESDU30 ang problema niya sa droga dito sa bansa. Nabanggit din niya na ang Western countries ay ‘bully’ sa Filipinas.

Alam naman nating lahat na pinupuri ni Duterte si Putin at tinawag pang kaniyang “favorite hero.”

PROTESTA LABAN KAY MARCOS

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director General Oscar Albayalde, pinaghahandaan na nila ang possibilidad nang mas malalaking protesta laban sa paglilibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Walang planong panghimasukan ng mga pulis ang mga protesta, basta’t gagawin sa maayos na paraan.

Ang mga protesta ay inaasahan sa EDSA Shrine. Hanggang ngayon ay full alert ang pulisya upang siguraduhin na mapayapa ang protesta.

AIR STRIKE SA MAGUINDANAO

Nagkaroon ng air strike sa Maguindanao nitong Sabado sa pinaghihinalaang teritoryo ng mga narco-politicians. Ang mga nasabing lugar ay baluwarte ni Talitay Mayor Muntassir Sabel.

Pinagsamang-puwersa ng AFP at PNP ang pumasok sa lugar, gamit ang bisa ng search warrant. May mga nakitang firearms at pinaghihinalaang shabu sa naganap na operasyon.

Samantala, si Sabel naman  ay nakatakas.

PRESDU30 ‘DI NAKADALO SA GALA

Hindi nakadalo si PRESDU30 sa Gala dinner na inihanda ng Pangulo ng Peru na si Pedro Pablo Kuczynski nitong Sabado ng gabi sa Peru.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi nakadalo si PRESDU30 sa nasabing gala dahil sumama ang kanyang pakiramdam.

Earlier on the same day kasi ay nagkaron ng bilateral meeting si Duterte sa Pangulo ng Russia at China.

MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …