Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacquiao for president?

PAGPASOK ni Sen. Manny Pacquiao sa Malacañang, sinalubong siya ni Pres. Rodrigo Duterte, kinamayan at itinaas ang kamay, sabay sabi, “For President na ito ah.” Nakangiting pagkakasabi ni Pres DU30.

Nag-courtesy call si Pacquiao sa Malacañang, matapos manalo ng WBO Welterweight title laban kay Jessie Vargas last November 6.

Matatandaang nagka-issue pa ang pagsama ni PNP Dir. Gen. “Bato” Dela Rosa sa laban ni Pacman sa Las Vegas. Ipinagtanggol ni Pacquiao si Gen. Bato at sinabing all-expense paid niya ang naging biyahe ni Bato sa Las Vegas, na ikinatuwa ni Pres DU30.

AGUIRRE ON DE LIMA

Kamakailan, inamin ni Sen. Leila De Lima na nagkaroon sila ng relasyon ng kaniyang former driver at bodyguard na si Ronnie Dayan.

Dahil dito, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ang pag-amin ni De Lima ay puwedeng magamit laban kay De Lima.

Dahil din dito, malaki ang posibilidad na talagang kasangkot si De Lima sa naging drug trade sa New Bilibid Prison. Maaaring ginamit talaga ni De Lima si Dayan upang mangolekta ng pera sa NBP.

KASUNDUAN
NG BILIBID EXECS
AT INMATES

Noong Martes, nag-surrender ng 20 smuggled firearms ang inmates sa corrections officials ng Bilibid. Ang mga nasabing baril ay na smuggle sa Bilibid bago pa pumasok ang Special Action Force (SAF) sa Bilibid upang palitan ang jail guards last July.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nakombinsi ang inmates na isuko ang firearms, matapos mangako ng officer-in-charge ng Bureau of Corrections ng mas mabuting treatment sa kanila.

FURNITURE SHOP
OWNER PATAY

Noong Sabado, isang 60-anyos na furniture shop owner ang natagpuang patay sa Solsona, Ilocos Norte.

Naka-motor si Patricio Narciso na susunduin ang kaniyang asawa, pero may sumunod na mga lalaki na naka-motor din at binaril ang biktima.

Dalawang anggulo ang nakikitang dahilan ng mga police investigators na mayhawak sa kaso. Para kay police Chief Inspector Rodel Santos, puwedeng business related or love triangle ang dahilan sa pagpaslang sa negosyante.

May nakita kasing picture ng babae sa wallet nito, ngunit ang nasabing babae ay hindi naman niya asawa.

MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …