Sunday , May 4 2025

Blakely pinalitan na ng Star

NOONG nakaraang Miyerkoles ay nakasalo ni Star Hotshots coach Jason Webb ang ilang sportswriters sa Cafe Adriatico  sa Araneta Coliseum upang ibahagi niya ang ilang bagay tungkol sa kanyang koponan.

Pangunahin sa naging agenda ng pagtitipong iyon ang itanong kung ano ang masasabi ng mga sportswriters tungkol sa kanilang import na si Marqus Blakely.

Kasi nga ay maraming tumutuligsa sa performance ni Blakely na isang dating Best Import awardee. Parang pababa ang kanyang laro at hindi na yata babalik sa dati.

So, marami ang nagsabi na tila makabubuti na nga yatang palitan si Blakely.

Hindi lang naman mga sportswriters ang pumupuna kay Blakely, e. Halos lahat ng fans ng Star Hotshots ay nagsasabi na tila wala nang ibubuga ang kanilang import at kailangang maghanap na ng iba.

Ganoon din naman ang nasa isipan ni Webb. Gusto lang din niyang malaman ang opinyon ng karamihan.

Kasi mahirap palitan si Blakely. Unang-una ay mabait ang import na ito. Ikalawa ay nabigyan nga sila nito ng kampeonato.

Pero hindi naman bumabata ang mga players, e.Tumatanda sila at bumabagal. O humihina. Kumpara sa 11 imports ng mga ibang koponan, si Blakely ang may ikalawang pinakamababang scoring average. Parang nawala na nga ang kanyang gilas.

Katapus-tapusan ng usapan ay sinabi ni Webb na may nakaantabay na nga siyang imports na pinagpiplian. Kung magpapalit ang Hotshots, kailangan ay ngayon na bago ang laban nila kontra sa NLEX sa Biyernes.

Crucial kasi ang laban nila ng Road Warriors dahil pareho sila ng kartada. Baka sa dakong huli ay magtabla sila at kailanganin ng quotient. So, makakabuti daw sa Star kung mananalo sila kontra NLEX.

Hayun at pinauwi na nga si Blakely. Kinuha si Joel Wainwright.

Tama naman ang desisyong magpalit.

Sana nga lang ay mahusay ang nakuhang kapalit.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

LA Cañizares Tao Yee Tan Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Kampeon sa Pro Mix ng APPT Kuala Lumpur Open

NAGPAMALAS ng husay ang ating mga atleta matapos masungkit nina LA Cañizares at Tao Yee …

Mark Anthony Fernandez Joms Cup Okada Manila Motorsport Carnivale 2025

Jomari nang makulong sa ilegal na pangangarera — That started my advocacy for road safety and to promote legal racers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BATAMBATA pa si Jomari Yllana nang mahiligan ang pangangarera, Gwaping days pa ‘ika niya. Sa …

Ronald Dableo Chess

Dableo, pangalawa sa Sydney standard tournament

NAGTAPOS bilang ikalawa si International Master Ronald Dableo ng Filipinas sa Sydney International Open 2025 …

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PORMAL nang ipinahayag ng MVP Group, na pinamumunuan ni chairman at matatag na tagasuporta ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *