Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginebra vs Blackwater

KAHIT na pansamantalang kapalit lang ni Paul Harris si Justin Bronwlee ay ibubuhos pa rin nito ang makakaya upang tulungan ang Barangay Ginebra na makapamayagpag sa PBA Governors Cup.

Makakatapat ni Brownlee ang datihang si Eric Dawson sa salpukan ng Gin Kings at Blackwater Elite mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Magkikita naman ang Rain Or Shine at Meralco sa unang laro sa ganap na 4:15 pm.

Nakabawi ang Gin Kings sa 109-100 overtime na pagkatalo sa Alaska Milk nang magwagi sila laban sa NLEX (85-72) at Meralco (107-93) upang umangat sa solo third place sa record na 2-1.

Ang Elite, na may 1-2 karta, ay galing naman sa 98-92 kabiguan buhat sa Rain Or Shine.

Sinabi ni Brownlee na naiintindihan niya ang kanyang papel sa Barangay Ginebra at hindi naman sasama ang kanyang loob sakaling ibalik si Harris kapag magaling na ang kamay nitong nagtamo ng injury sa unang laro ng Gin Kings kontra Globalport noong Hulyo 16.

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …