Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

12 sa 104 na milyong Pinoy

The most important thing in the Olympic Games is not winning but taking part; the essential thing in life is not conquering but fighting well.

— Pierre De Coubertin

PASAKALYE: Nais nating batiin si Quezon City Police District (QCPD) director Senior Superintendent GUILLERMO LORENZO ELEAZAR sa kanyang determinadong pagsunod sa anti-criminality campaign na kabahagi ang Project Double Barrel ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamunuan ni Chief PNP, Director General RONALDO ‘Bato’ DELA ROSA, alinsunod sa kautusan ni Pangulong RODRIGO DUTERTE.

Kudos, señor commandante!

LABINDALAWA lang . . . 12 lang ang naipadalang atleta ng Pilipinas sa Rio Games, o 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Nakaktuwang isipin na sa mahigit 100 milyong Pinoy ay 12 atleta lang ang pinalad na makalahok sa pinakapresistiyosong sports event sa mundo! Ang Singapore, na may 5.696 milyong populasyon at 430 beses na mas maliit sa Pilipinas, ay nagpadala ng 24 na atleta—doble sa bilang na pinadala natin! Hindi tuloy malaman kung dapat ba tayong matuwa na may pag-asa tayong makasungkit ng kauna-unahang ginto medalya mula sa 12 nating atleta o dapat na ikalungkot ito dahil ganito kahina ang ating bansa sa larangan ng palakasan.

Same problema pa rin . . .

DALAWANG beses akong nanalo sa final and executory judgments (na) validated by the Supreme Court during the time of Chief Justice CLAUDIO TEEHANKEE and CJ MARCELO FERNAN. Pero mula sa CJ NARVASA, DAVIDE, PANGANIBAN, PUNO, CORONA and SERENO, despite my vigilance, hindi ko nakuha ang panalo ko, nakuha pa ng natalong si LIGON ang bahay at lupa ko na hindi naman kasama sa kaso at exempt sa execution sa Rules of Court at sa Family Code. — Demy Flores (09267480992, Hulyo 4, 2016)

Hinaing ng retired PNP . . .

MAGANDA(NG) umaga po Boss Tracy! Kami po(ng) (mga) retired PNP po ba ay kasama sa dagdag po na ibibigay ng ating Pangulo(ng) DUTERTE po? Sana lang po, kami naman (ang) bigyan(g) pansin ng atin po(ng) Pangulo DUTERTE. Marami na po sa amin ang may sakit at namamatay nang wala pa rin po(ng) nakukuha(ng) dagdag (sa) pension simula pa ni dating Pangulong P-NOY. Wala kami(ng) nakuha (kundi) puro hinagpis . Kawawa naman po ang mga kasama ko na hirap na hirap na. Sana malaman po naman kung kami po ay magkakaroon o wala po, pati na an gaming 36 months na differential. Salamat po, Boss Tracy. God bless you po! — Retired PNP (09981670642, Hulyo 23, 2016)

Patuloy ang kababuyan . . .

KUNG hindi pa naging presidente si DU30 hindi mapapalinis kunwari ni mandarambong ERAP iyong Divisoria sa mga iligal at pasaway na mga vendor. Ang tanong, saan napunta iyong mga koleksyon sa mga vendor na talagang malaki at ginahasa ng todo nila ex-convict ERAP. Iyong Divisoria nalinis ng kaunti pero iyong Carriedo sa may Quiapo ay patuloy ang kababuyan ng mga iligal na vendor at talagang sarado ang kalsada. Ibig sabihin mas matindi ang sindikato nila ex-convict ERAP doon sa Quiapo na talagang binaboy din ng todo at talagang kumite ng todo si mandarambong ERAP! Thank you at more power po! — Mr. Donald ng Tondo, Maynila (Hulyo 23, 2016)

Problema ng mga sekyu . . .

MAGANDANG gabi po. Ako po’y isang security guard lamang (na) taga-Ilocos po. Matagal na rin akong guwardya mula 1996 hanggang ngayon. Ang suggestion ko lang po (ay) bakit tuwing nagre-renew kami nang security license ay pupunta pa kami sa (Camp) Crame para mag-renew. Hindi ba puwede dito na lang sana sa amin tutal may kampo naman dito sa Ilocos para malapit na at hindi na kami mamasahe pa at maabala? At problema po ‘pag iyong agency naman ang magre-renew nang lisensya namin ay sisingilin kami ng P5,000, sobrang mahal po, ang liit nang sahod namin dito sa probinsya bilanbg guwardya. — Anonymous (09167304920, Hulyo 24, 2016)

* * *

PARA sainyongkomento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadalalamang ng mensahe o impormasyonsaaking email na [email protected] o dilikaya’yi-text n’yonalangakosaaking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamatpo!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *