Friday , November 15 2024
shabu drugs dead

2 Chinese drug lord itinumba sa Maynila

KAPWA pinagbabaril ang isang lalaki at isang babaeng parehas na “Chinese looking” at itinapon ng hindi nakikilalang mga suspek kahapon ng madaling araw sa magkahiwalay na lugar sa Maynia.

Unang natagpuan dakong 3:30 am ng isang pedestrian na si Mesalyn Milagros Probadora, 45, ang bangkay ng lalaking Chinese, edad 30-35, may taas na 5’4, nakasuot ng maong na pantalon, itim na t-shirt at kulay gray na medyas sa Zamora Bridge Inerlink, Sta. Mesa, Maynila.

Nabatid sa imbestigasyon nina PO3 Dennis Turla at PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section, nakarinig nang sunod-sunod na putok ng baril si Probadora at nang tingnan ay nakita ang duguang lalaki.

Natagpuan din ang karatulang may nakasulat na “Chinese drug lord ako” at nakita sa lugar ang anim basyo ng 9mm baril.

Samantala, dakong 4:00 am nang matagpuan ang bangkay ng isang Chinese-looking na babae, tinatayang nasa edad 25-30, may taas na 5’3, maputi, nakasuot ng kulay asul na stripe t-shirt, maong pants at pink na sapatos, malapit sa Plaza Mexico at sa Ferry station sa likod ng Immigration office sa Intramuros, Maynila.

Nabatid  na nakatali ng duct tape ang mga kamay ng biktima at may tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni Turla, may limang tama ng bala sa katawan ang biktima mula sa 9mm baril.

Naniniwala ang pulisya na magkasama ang dalawang biktima at itinapon lamang sa magkahiwalay na lugar sa Maynila .

May nakuha rin karatula sa tabi ng babae na may sulat  na “Chinese drug lord.”

Patuloy na iniimbestigahan ng MPD-HS kung may kinalaman sa pagtutulak ng illegal an droga ang motibo sa pagpatay sa mga biktima.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *