Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

Madam politician pasaway sa presscon?

THE WHO si Madam politician na pasaway sa mga mamamahayag sa tuwing magpapatawag ng press conference.

Ayon sa ating Hunyango, kumbaga sa text message ‘late reply’ daw si Madam Politician or in short LR, kasi naman grabe siya magpahintay sa presscon.

Opo, dahil hindi lang minuto kung magpahintay sa mamamahayag si Madam kundi higit isang oras lang naman!

Wawawiwaw! Prima Donna!

Ang masakit pa nito, nagkanda-dumi-dumi na ang laylayan ng pantalon at palda ng mga reporter para makaabot sa call time na itinakda ni Madam, ‘yon pala limang minuto lang ang ibinibigay na oras sa kanila sa tuwing may presscon!

Yes! Uwian agad pagkatapos ng limang minuto!

Madali lang [palang magpaintindi si Madam?!

As in tsupi! Tsupi! Tsupi na sila!

Ano aso lang?!

O baka naman ‘yung iba lang ang itinutsupi pero ‘yung iba tinatapik-tapik at kinakamay-kamayan?!

Heto pa ang mabigat, noong unang magpatawag daw ng presscon si Madam, akalain mong tubig lang ang inihanda sa mga reporter na naroroon?!

Wala man lang juice?!

O biskwit?!

O Mani?!

O butong pakwan?!

O buto ng kalabasa?!

Anak ng kalabasa talaga!

Har har har har har!

Sabi pa, noong mga araw na iyon biglang  nagutom daw ‘yong mga reporter sa malaking bahay na pinagdausan ng pulong balitaan kasi naman nagluluto nang makakain ang kusinera niya.

Buong akala ng mga naroroong media na nagko-cover at natatakam sa amoy nang niluluto ni ksuinera, sa kanila ihahain, ‘yon pala negative!

Bwar har har har har har!

Sa ikalawang patawag naman ng presscon ni Late Reply isang oras ulit naghintay ang mga kabaro natin at sabihin ba naman ng mga staff na pasensiya na dahil ‘di pa raw kasi dumarating ‘yong juice at cup cake na kanilang inorder!

Kung kaya’t water therapy ulit sila!

Makunatsky pa kay Kiko este sa inuyat!

Naman, naman Madam!Para kang hindi Pinoy, walang hospitality… ikaw ba ang half breed?

Nakakapagtaka rin daw dahil kada may  presscon inililista ng kampo ni politician ang mga marked vehicle ng media pati na mga pangalan ng driver nito e hindi naman pala sila papasukin!

Akala ko everybody welcome!

Everybody to be submitted pala!

Getz n’yo na kung sino siya?!

THE WHO? Scandal – ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …