Sunday , December 22 2024

Targetin ang susunod na Olympics

NAKAPANINDAK lang tayo pero hindi iyon naging sapat upang manatiling buhay ang pag-asang makarating sa Rio de Janeiro Olympics sa susunod na buwan.

Sa dakong huli ay yumuko rin tayo kontra sa mas matatangkad at malalakas na kalabang France at New Zealand sa Olympic Qualifyng Tournament na kasalukuyang ginaganap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Noong Martes ay dinaig tayo ng France, 93-84 at noong Miyerkules ay natalo naman tayo sa New Zealand, 89-80. So, ang French at Kiwis ang siyang tumulak sa semifinal round na gaganapin bukas.  May isang araw na pahinga ang mga kalahook na koponan ngayon.

Pero para sa Gilas Pilipinas ay pahinga na sila hanggang sa susunod na torneo. O hanggang sa susunod na Olympics sa 2020.

Actually, suntok sa buwan naman talaga ng kampanya natin sa OCT. Kasi nga ay mas mataas ang ranking ng France at New Zealand kaysa sa atin na No. 28 lang.

Ang France ay No. 5 sa mundo.  Doon pa lang ay kita mo na kaagad ang diperensya, hindi ba?

Pero hindi naman tayo sumuko o umayaw dahil sa mas malakas sila. Nagbigay nga tayo ng magandang laban. Lumamang tayo ng sampung putnos sa first half pero nakahabol ang France. Sana kung ang rule ng laro ay ayawan na matapos na malamangan ng sampu, e di panalo na tayo.

Pero hindi ganoon e.  Apatnapung minuto ang laro. Dapat ay apatnapung minutong maganda ang ating performance.

Sayang talaga!

Pero hindi naman nakakahiya ang ibinigay nating laban. Kahit na si President Duterte na nanood sa game kontra France ay tiyak na naging proud sa Gilas Pilipinas.

At marahil, ito na ang simula ng suporta ng gobyerno sa ating basketball team. Kung si Duterte mismo ang susuporta, aba’ý tiyak na susuporta ang buong sambayanan!

Targetin natin ang 2020 Olympics!

Kakayanin natin iyan!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *