Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Driver binoga ng sekyu sa parking lot, kritikal

KRITIKAL ang kalagayan ng isang 46-anyos driver makaraan pagbabarilin ng security guard na kanyang nakaalitan dahil sa pagpaparada ng sasakyan sa Mandaluyong City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Miguel Villamor, driver ng tanggapan ng PAG-IBIG, habang arestado ang suspek na si Jimmy Opong, 43, security guard sa Jelp Building, sa Show Boulevard, Addition Hills sa lungsod.

Ayon kay SPO2 Emmanuel Ermino, dakong 8:00 pm nang mangyari ang insidente sa parking area sa fourth floor ng nabanggit na gusali malapit sa opisina ng biktima.

Nauna rito, paparada sana ang biktima nang sitahin ng suspek at sinabihan na iparada na lang sa ibang lugar ang sasakyan.

Ngunit dedma ang biktima kaya nagalit ang suspek, binunot ang kanyang 9mm baril at ilang ulit na pinaputukan si Vilamor.

Sasampahan ng kasong frustrated murder ang sekyu habang ang biktima ay under observertion ang kalagayan sa Lourdes Hospital.

( ED MORENO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …